CHAPTER#36-S-SINO K-KA??

387 45 0
                                    

CHAPTER#36- S-SINO K-KA??









*3RD PERSON'S POV*









Dahil sa kahihiyang nagawa ni Adeline para siyang ewang nakaupo sa sahig ng room. Tama,  hanggang ngayon ay nadoon parin siya .Hindi niya matanggap ang nangyari kanina . Muka siyang ewang nakatulala sa kawalan .










Hanggang ngayon ay wala pang mga estudyante sa loob ng room kundi siya lang.









Nanginginig ang kanyang mga tuhod nang dahan dahan siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Dahil sa nanginginig siya, bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig .











Biglang nagpantig ang tainga niya ng may narinig siyang mga nagsasalita .











Biglang nagsipasukan ang mga estudyante sa classroom dahil sa magsisimula na ang klase. Agad na pinilit ni Adeline ang sarili niya na tumayo at tama nga siya. nagsipasukan na ang mga estudyante . Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya.









*BOOGSH*









Ulit siyang nahulog sa kanyang kinatatayuan pero iba ang nangyari dahil nadali niya ang mga upuan kaya napasama ito sa kanyang pagbasak na nagsanhi ng atensyon ng mga estudyante kaya lahat sila ay lumapit kay Adeline. Agad na nataranta si Adeline dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya .











Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya at nagtataka . Agad siyang nakaisip ng paraan na sigurado siyang gagana .Bigla siyang gumapang sa ilalim ng lamesa na parang ewan . May kinuha siyang piso sa bulsa niya at gumapang na palabas ng lamesa .










hindi niya alam pero biglang nawala ang nginig ng mga tuhod niya dahil bigla na lang siyang tumayo sa harap ng mga estudyante.







"uyy may piso akong nakita ohh.. stikloot akin na to ahh .." sabi nito habang taas taas ang piso .










Agad na nagtaasan ang mga kilay ng estudyante dahil sa inasal ni Adeline.









"oh bakit??? ang sama ng tingin niyo sa akin ahh ..ako nakakita nito kaya akin na to.." sabi nito at umaktong parang aagawin sa kanya ang kanyang precious piso.










Imbis na magsalita ang mga estudyante nagsitinginan sila na tila nagtataka sa babaeng nasa harap nila ,niisip nung iba na may sayad na ito. Sobrang tahimik ng buong klase .










"Grabe kayo parang piso lang eh .." sabi ni Adeline at nilapitan ang isa sa mga estudyante at kinuha ang kamay nito .









"ohh ayan na ..sayo na lang naaawa ako sayo ehh..." sabi ni Adeline at parang may awang nararamdaman para sa estudyante .Imbis na magsalita ang estudyante tumaas na lamang ang kilay nito at biglang hinila ang kamay nito .










Nagulat naman si Adeline sa kinilos ng estudyante . Agad siyang napabuntong hininga dahil sa inasta ng babae .











"Ano bayan parang piso lang ehh .. grabe ka kung makahila ng kamay mo ...Oo na sayo na yang piso! ..grabe to .. " sabi ni Adeline sabay labas ng clasroom.










"grabe naman yun.. parang piso lang ehh grabe na kung makatingin.. tss .. excuse me !! para sabihin ko sa kanya marami akong piso.. " sabi nito habang naglalakad sa hallway .









The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon