CHAPTER#23-BAKIT?!!

439 47 0
                                    

CHAPTER#23- BAKIT?!!




*ADELINE'S POV*




hindi ko alam.. nanatili parin akong nakatayo sa kinatatayuan ko kahit na nagkakagulo na ang lahat..  nakita ko kung paano humarang sa amin ang mga lalaking ito na para bang pinoprotektahan ako..





agad akong hinila ni Duane at hinarangan niya ako na para ring pinoprotektahan ako..






nanlalambot ang mga binti ko na hindi ko alam kung bakit.. at lalong nanlabo ang aking paningin..






Ramdam kong nanghihina ang katawan ko..






"Don't let him come near to the prince! " sigaw nung lalaki





"Yes!! Master!  " sigaw ng mga kasama nito..





hinawakan ko ang kamay ni Duane dahil ang sama ng pakiramdam ko..




Agad namang lumingon si Duane..





bigla na lamang akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay..




.........…………………………………




nasaan ako?? 





bakit ang dilim???  teka??  bakit ang Dilim??!! 






"Adeline.... "





biglang nanayo ang mga balahibo ko sa katawan ng may narinig akong bumulong ng pangalan ko...





"Asaan na kayo?? " halos pabulong na sabi ko..






natatakot ako..





ang dilim.... takot ako sa dilim... pakiusap tulungan niyo ako...




"Adeline..... " Bigla akong napapikit ng narinig ko ulit ang boses na iyon..




"psst! " bigla akong napabukas ng mga mata ng may narinig akong sumitsit sa akin..





ang madilim na paligid kanina ay biglang lumiwanag at lumantad sa akin ang isang puting pintuan..





"pssst!!! " narinig kong muli ang tunog na iyon..






at nanggagaling iyon sa pintuan  .. wala akong magawa kundi ang lumapit doon.. hindi ko alam pero saan pa ba ako pupunta??  at tsaka baka ito na ang labasan palabas..






dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumantad ang isang madilim na paligid.





"Psst!! " agad akong napalingon sa likod ko ng biglang doon nanggaling ang tunog..




kaso pag lingon ko.. walang katao tao.. para itong kahong walang laman at parang walang katapusan ang layo..





"HMMNNN!!!" ipit akong napatili ng nakaramdam ako ng mga kamay na tumakip sa aking bibig.





pilit kong tinatanggal ang mga kamay na iyon pero hindi ko ito matanggal.






bigla akong nagulat ng bigla rin nitong tinakpan ang mga mata ko.. at hinila ako nito..






Katapusan ko na ba??!!





bigla nawala ang mga nakatakip na kamay sa bibig at mga mata ko..






Agad ulit akong kinabahan at natakot ng nakita kong ang buong paligid ay nababalot sa kadiliman..





"Adeline..... " agad akong napalingon ng narinig kong may tumawag sa akin..






wala akong nakitang tao.. ngunit may nakita ako lumiliwanag na bagay mula sa malayo..






agad akong tumakbo papalapit sa liwanag na iyon. Lumantad sa akin ang isang kumikislap na bilog na bagay...





agad akong nabighani sa ganda nito..






inilapit ko ang aking kamay palapit sa bagay na iyon. Agad akong namangha ng makita kong gumalaw ang bilog na bagay na iyon..





parang isang bagay na binubuo ng tubig... Agad kong inalis ang kamay ko at nakita kong biglang may tumutulong tubig mula sa bolang iyon..




"huh?? " Agad kong pinunasan ang mga mata ko ng nakita ko ang aking sarili sa tubig..




nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang sarili ko sa tubig..




nakangiti ito na tila isang demonyo..




agad akong napaatras sa kinatatayuan  ko..




hindi...





anong nangyayari??? 






Nakangiti parin ito na parang isang demonyo at nakatingin sa akin..




"Adeline tumingin ka sa likod mo.. " narinig kong sabi niya..




Agad naman akong lumingon sa likod ko..





biglang nanlambot ang mga binti ko ng makita ko ang isang bangin na tila walang katapusan..





"Adeline.. " agad akong napatingin ulit sa harap ng narinig ko ang isang nakakatakot na boses..






Agad akong nagulat ng nakita ko ang sarili ko.. at nakangiti ito na tila isang demonyo..





bigla akong nanginig ng nagiba ang kulay ng mga mata nito..



mula sa normal na kulay nito nagiba ito at nagkulay itim..





nanlaki ang mga mata ko ng ngumiti ito at tinulak ako..




ramdam ko ang unti unting paghulog ko sa bangin..






"AHHHH! " wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw




"Miss. Hilary!! ano sa tingin mo ang ginagawa mo? "




Agad akong napabukas ng mga mata at lumantad sa akin ang classroom namin..





napatingin ako sa harap at nakita ko si Sir Liam at ang classmate ko na nakatingin sa akin..





teka??!!  anong ginagawa ko dito?!!!





agad akong tumingin sa sarili ko.. nakaupo ako at may hawak na chocolate..





teka??! anong nangyari???!!!




bakit ako nandito sa school??!!!





bakit.???



THE END...



**************************
choss lang!!  ^__^V

thanks po sa pagbabasa  .. :)

next na po ba tayo??

The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon