CHAPTER#32-HUH??

385 45 0
                                    

CHARTER #32- HUH??







*ADELINE'S POV*






"Nasaan na naman ba ako??? " -____- asar na sabi ko .






bigla na lang akong nagising sa malaking lamang to!  hindi ko na naman alam kung saan na naman ako napunta. -___- baka kung ano ano na naman ang mangyayari.. tapos mananaginip na naman ako ng masama. Nakakasawa ng umiyak!







wala akong magagawa -___-







tumayo na lang ako sa kama at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Ang laki talaga ng kwarto na ito. Hindi ko malaman kung bakit na lang ako napupunta sa mga malalaking bahay.. ay!  hindi!  MANSYON pala -_____-







kinalikot ko ang mga nakikita kong bagay sa loob ng kwarto ng biglang may nakapukaw ng paningin ko. Kumikinang ito at mukang gawa sa ginto.







Nilapitan ko ang bagay na iyo at nakita kong isa itong susi. Agad naman akong naghanap ng pwedeng mabuksan sa mga gamit dito. Naghanap na ako ng mga bagay na may lock pero hindi naman ito match sa susi. Baka naman kasi palamuti lang talaga yung susi. Pero parang hindi naman.








Agad na pumasok sa isip ko yung pinto kaya agad akong lumapit doon. Noong hinawakan ko na ang pinto bukas naman ito. Ibig sabihin hindi ito iyon.








Kinabahan tuloy ako sa pinaggagawa ko dito. Ang lakas kong mangalikot dito sa loob eh hindi naman ako taga dito. Anong magagawa ko??  ayoko namang lumabas baka may lumunok sa akin ng buhay. -______-







Nasaan na kaya sila Duane??? 






teka?  O______O








Tama sila Duane!!  Hindi ko pa sila nakikita!!  simula noong may nangyari. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na panaginip lang pala lahat. Para kasing totoo.







ahh!!  ang mahalaga ngayon makaalis ako dito at mahanap sila Duane.







Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Basta pagising ko nandito na ako.






Kinakabahan akong binuksan ang pinto at sumilip. Bigla akong napanganga ng makita ko ang isang napakahabang pasilyo.







Maze ba to???  tss.. -____- mukang papahirapan pa ako.






Tuluyan kong binuksan ang pinto at huminga ng malalim.







Inilagay ko sa bulsa ko ang susing nakita ko at nagsimulang naglakad. Grabe nakakatakot naman dito.. ang daming pinto. Pero wala talagang mas nakakatakot sa masyon ni Duane. Doon kasi maraming lumalabas na kung ano -___-






Nang may nakita akong likuan sa kanan agad akong tumakbo papunta doon.







Bigla akong napaupo sa sahig ng nakita ko ang napakahabang hagdan. Grabe sigurado hindi pa ako nakakapunta sa gitna hingal na ako! -_____- pero kailangan ko makaalis dito.







Agad akong tumayo at tinignan ang buong paligid. Chine check ko lang kung may tao. May itatry akong gawin para mabilis akong makakababa .







Nang macheck ko na, agad kong hinawakan ang hawakan ng hagdan. Hmm... madulas naman ang hawakan ng hagdan. Tumingin ulit ako sa paligid ng macheck ko na talagang walang tao agad akong umupo sa hawakan ng hagdan at dahan dahang nagpadulas sa baba.








The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon