CHAPTER#28- ANONG NANGYAYARI??

413 48 0
                                    

CHAPTER#28- ANONG NANGYARI??





*ADELINES POV*






Anong nangyayari sa akin??  hindi ko makontrol ang sarili ko!!





Dahan dahan akong lumapit kay Rion na may nanlilisik na mata at wala man lang siyang ginawa tanging nakatayo lamang siya sa harap ko at nakangisi 







" Lumabas ka din sa wakas.. " sabi nito sabay ngiti ng nakakatakot.






Biglang gumalaw ang lupa na siyang nagpahinto sa akin. Nagulat ako ng bigla bumuka ang lupa sa likuran ni Rion. Mula sa butas lubas ang mga insektong mabilis na nagsisiliparan. Nagulat ako ng biglang may mga kamay na lumabas mula sa butas.







Nagulat na lamang ako ng biglang gumalaw ang katawan ko at sa isang kisap mata ay nasa harapan na ako ni Rion. Akmang sasaksakin ko na siya ngunit biglang may humarang na isang matanda.






Pilit kong tinatanggal ang nakabaong espada sa balikat ng matanda pero parang may ibang nagkokontro ng katawan ko.





Mas diniinan ko pa ang saksak sa matanda ngunit wala man lang itong expression at parang di man lang nasasaktan.





Bigla nitong hinawakan ito na dahilan upang magdugo ang kanyang kamay at mukang hindi man lang siya nasasaktan.





Agad akong napaatras ng bigla nitong natanggal ang espada sa balikat niya.






"Oras na... " agad akong tumingin kay Rion ng bigla itong nagsalita.






Maraming tao ang lumabas mula sa butas...





lahat sila ay may mga matang nanlilisik at nakakatakot. Pinitik ni Rion ang kanyang daliri at lahat ng tao ay tumakbo papalapit sa akin.






hindi ko alam kung bakit ganito. Biglang kumilos ang katawan ko at isa isa ko silang sinaksak na parang isang halimaw.






nakita ko ang bawat daan ng espada ko sa mga sumusugod sa akin. Nakita ko ang mga dugo nilang tumatalsik sa aking buong katawan.





Hanggang sa iisang tao na lamang ang natira sa harapan ko at ang taong iyon ang ang matandang nasaksak ko kanina..





Nagiba ang hugis ng kamay nito at naging isang matalim na metal. Nagiba ang kulay ng mga mata nito..nagkulay itim ito at nakita kong may mga dugong tumutulo mula doon.






Nang bigla itong tumakbo ng mabilis agad ko siyang sinabayan sa pagtakbo. Hanggang sa nakaharap kami.








Nasugatan niya ako sa kaliwang balikat ngunit wala akong naramdaman na kahit anong sakit.







Bigla ko siyang inatake at sinugatan sa bawat parten ng katawan nito. Binuhat ko siya ng iisang kamay lang gamit at binato siya sa gitna. Inihagis ko ang espada ko at sobrang bilis nitong bumaon sa dib dib ng matanda na dahilan sa kanyang kasawian .







Dahan dahan akong lumapit sa gitna at hinugot sa dib dib ng matanda ang espada.






Ngayon ay napapaligiran ako ng mga patay na katawan ng mga tao. Nagkulay dugo ang damuhan sa gitna ng eskwelahan.







May nakita akong gumalaw sa gilid ko .Nakita ko ang isang maliit na bata. Agad akong lumapit sa kanya at inapakan ito sa dib dib.






"Tulungan niyo po ako... pakiusap.." pagmamakaawa ng bata.





"Maawa po k-kayo... "








Ngunit imbis na maawa mas lalo kong idiniin ang paa ko sa dib dib niya at agad kong idiniin ang espada ko sa kanyang ulo. Kitang kita ko ang dugong dumadaloy mula sa kanyang noo.







Parang isang malamig na bato ang dib dib ko, wala akong awa sa sinuman. Ang tanging gusto ko ay ang manakit at pumatay.







Hinugot ko ang espada at hinawakan ang talim nito na nababalutan ng dugo. Idinaan ko ang aking mga daliri mula dito at dahan dahan kong nilasahan ang dugo mula dito.





" Mukang hanggang dito na lang... Ms. Adeline.. " narinig ko mula sa likod ko.






Sa isang kisap mata nasa harapan ko na agad si Rion. Gamit ang kanyang ginintuang kutsilyo ay sinaksak niya ako sa dib dib at biglang lumiwanag ang mga bato sa hawakan ng patalim nito.






Wala akong naramdamang kahit na anong sakit mula sa kanyang saksak. Tinignan niya ako ng may ngiting demonyo ngunit agad itong nawala ng nakita niya akong hinawakan ang kamay niya.






Hinigit ko ang kutsilyong nakabaon sa dib dib ko at mukang gulat na gulat siya. Hinawakan ko siya ng madiin sa kanyang mga pisngi at iniangat na dahilan upang manlaki ang mga mata niya.





Napangisi ako na parang demonyo sa inasal niya. Bigla kong ibinaon sa dib dib niya ang espadang hawak ko. Tuwang tuwa ako ng biglang tumulo ang dugo mula sa dib dib niya at mas lalo kong ibinaon ito sa dib dib niya.





Unti unting nawawala ang ang buong paligid. Biglang kapaligiran ng apoy ang buong paligid. Agad akong napatingin kay Rion.






"Urrggg...Hindi to pwede.. " sabi ni Rion at unti unti siyang nawawala. Agad naman akong lumapit sa kanya ngunit bigla akong nahulog.






tinignan ko ang buong paligid ko at napapaligiran ako ng tubig.






para akong nasa loob ng bilog at walang laman kundi tubig.








Unti unti akong nawawalan ng hininga sa loob. Pilit kong hinahampas ang harang pero di ko kaya. Unti unti akong nawawalan ng hininga at unti unti akong napapapikit .






******************************

thanks po sa pagbabasa :)


next??

The VAMPIRE PRINCE and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon