Chapter 5: We met again

111 2 1
                                    

Summer's POV

 Nagising ako dahil sa ingay ng mga kuya ko na nagsiswimming agad. So aga naman!

Hinayaan ko na lang sila and nagpunta na ko sa bathroom para maligo.

Habang naliligo ako. Pinagdadasal ko na walang bad vibes na sumapi sakin ngayong araw.

Pagkaligo ko, nagready na ko for school tapos pagkaready ko for school syempre nagbreakfast muna ako. 

Pumunta na ko sa kitchen.

"Good morning Chef Mike! Whats for breakfast?"

"Your forever favorite, pancake. With fresh cow milk."

"Nice! Thanks chef! And by the way, forever does not exist"

Tapos pumunta na ko sa dining area.

As usual, magisa akong kakain. 

"Ma'am Summer, ready na po yung car." Sabi ng family driver namin

"Okay, hintayin ko lang si Bessy. Sabay kami papasok"

"Okay po ma'am"

Habang kumakain ako bigla kong naalala yung nangyari kahapon. Haynako sabi ko walang bad vibes eh *subo ng pancake* -_- Pero hindi. Familiar kasi yung face nung nakabangga sakin and nung mga friends niya *subo ng pancake*. Hindi ko lang talaga maalala kung saan, kelan at pano sila naging familiar sakin. Whatevs *inom ng milk*.

"Bessy!" 

"Ay Barney!" Bigla akong nagulat kay Bessy.

"Muka ka nang Barney!"

"Para ka kasing kabute!"

"Sorry na. Ano, tara na?"

"Com'on"

Hindi ko na naubos yung pancake ko =( 

Pumunta na kami sa school. Hindi na kami nagdala ng sariling car para mas mapadali na ang buhay namin hahahahah. Nakakatamad na din magdrive.

Nandito na agad kami sa school. Pano ba naman! Ang lapit lapit lang sa village namin nitong school namin. Pagbaba namin ni Bessy sa car ay may biglang dumaan na apat na magagandang cars. Ang cool nung mga sasakyan nila. Pero syempre mas cool yung samin ni Bessy.

"Cool cars" Biglang sabi ni Bessy.

"I know right!"

"Kanikanino kaya yun?"

"As if naman na I know diba? Well, lets find out,"

Hinintay naming makapark yung cars para makita namin kung kanino yun.

Maya maya nung bumukas na yung pinto nung mga sasakyan, biglang nagiritan yung mga babae and mga bakla naming schoolmates. Artista ba yun? OMG ang bongga kasi masyado ng entrance!

Pagbaba nung mga nasa car 

"Holy Sh*t!" Yan na lang nasabi ko

"Okay, wala tayong nakita" 

Tapos bigla kaming tumalikod ni Bessy. Nagkabanggaan pa nga kaming dalawa eh. Nagmadali na kaming pumunta sa room.

"Bessy nakita kaya nila tayo?

"Eh hindi naman natin alam na sila yun eh."

"Bakit ba tayo nagpapanic? Like eww."

"Sinimulan mo kaya!"

Maya maya nakarating na kami sa room. Medyo madami na ding tao sa room namin. 

Papunta na kami sa chair namin ni Reau ng biglang nagsigawan yung mga classmates naming girls and bakla. Ano nanaman bang meron?

Forever is not a wordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon