Summer's POV
Headache ugh!
Kasi naman e! Ang dami daming pinainom na beer sakin ni Luis!
Pababa ako ngayon sa hagdan at pupunta sa kitchen para magbreakfast.
Habang papunta ako ng dining room, bigla kong naalala ang aking bestfriend to the moon and back. Buhay pa kaya yun? Lol
Dialing Bessylicious...
"Bessy! Ay grabe! Pagod na pagod ako kagabi! Biruin mo, ipakilala ba naman ako ni daddy sa halos lahat ng tao dun? And eto ha! Ang dami ko pang nainom! Tapos ay na--"
Biglang sumingit si bessy
"Bessy, chill! Sana kamustahin mo muna ako diba? Sana tanungin mo muna kung ok lang ako diba?"
"Eto na nga! Hahahaha! Sorry, naexcite lang ako magkwento. So kamusta ka na? Nasa hospital ka pa? Gusto mo puntahan kita jan? Kelan ka ba uuwi? Masaya ka ba jan?"
"Bessy, ang daming tanong! Ok na ko! Nandito na ko sa bahay ngayon, actually kagabi pa. Hyperventilation Syndrome daw e."
"WHAT?! HYPERVENTILATION SYNDROME?! What's that?"
"Makareact ah?! Ganito kasi yun. Bawal daw akong mastress, bawal magpuyat, bawal mapagod, bawal sobrang saya and lungkot, sobrang kilig, sobrang init and lamig. Biruin mo bessy, bawal yan lahat sakin. May tendency na mahirapan ako huminga, manigas yung buong katawan or worst if ever na tumaas sa puso, pwede akong mamatay."
"Holy mothe' fuckin' sh*t! Anong klaseng sakit yan? E parang sa mga bawal pa lang sayo nakakamatay na e! Bakit ba ganyan? Bakit ang daming bawal?"
"Sakit to ng mga teenagers ngayon. Unang tanong nga ng doctor sakin kung may boyfriend daw ba ako e. Syempre sinabi ko yung totoo. Meron. Tapos kinwento ko yung past ko."
"So yung lintik mong ex boyfriend yung reason kung bat ka nagkahyperchuchu?!"
"I think so."
"E gago pala yung hayop na yun e!"
"Language! Hayaan na natin siya bessy. Lalo lang ako mas-stress. Anw, kamusta naman yung event last night?"
Natahimik ako bigla. Sasabihin ko ba sa kanya? Bawal kasi sakanya diba yung sobrang kilig? E diba sobrang nakakakilig yung nangyari kagabi? Hay wag na nga lang.
"Bessy! Huy!"
"Ha? Ah, ok naman."
"May pogi?"
Walang pogi! Gwapo at hot meron!
"Wala nga e."
"Masaya naman?"
Hindi masaya, sobrang saya!
"Ok lang."
"Sinong nakasama mo?"
Si Luis. Siya lang at wala ng iba
"Daddy. OP nga ako e."
"Sorry ha? Hindi na kita nasamahan."
Ok lang, buti na nga lang hindi ka sumama e.
"Ok lang yun! So dami pa namang events jan e."
"Nice, sige na. Pupunta kayong church?"
"Yes"
"Magprepare ka na"
"Ok, bye bessy!"
End
--
A/N
Medyo madaming part etong chapter 10 ah. So be patient guys. Mwaa!
