Chapter 37: More than what?

31 0 0
                                    

Summer's POV

Nagising na ako and pumasok na sa school.

As usual, practice lang kami ng practice.

Friday na ulit. Grabe, ang boring pero nakakapagod tong week na to!

"OMG!" Biglang nagsigawan yung classmates namin na parang kinikilig na ewan.

Magkakasama sila sa isang corner and parang may tinitignan sila sa laptop.

"Summer!" Tawag sakin ni Lyka

"Yes?"

"Kayo na ba ni captain?"

Lahat ng mata nasakin. Lahat inaabangan yung sagot ko

"No"

"E bat ang sweet niyo sa EK?"

"E bat alam niyo yun?"

"Syempre. Alam mo naman na sobrang famous ni captain, hindi lang dito sa school natin. Kaya kahit saan or anong ginagawa niya, alam namin. Look at this"

Tapos hinila niya ko papunta dun sa tapat ng laptop.

Pagtingin ko sa laptop, puro pictures namin ni Luis sa EK

Whatduuuh?

"Kelan ba kayo aamin?"

Walang dapat aminin ano ba

"Anong aami--"

Nagputol yung sasabihin ko ng biglang nagiritan yung mga classmates ko. Pano dumating na yung captain nila

"Captain, kayo na ba ni Summer?"

"Oo nga! Kayo na!"

"Kelan pa?"

Ugh ewan ko sa inyo.

Hindi sila pinansin ni Luis

"Summer!"

Hindi mo kelangan sumigaw!

"What?!"

Ayan napasigaw na tuloy ako

"Wow! Ang sweet naman ng welcome mo sakin, baba. Ang cute mo talaga"

Sabay pisil ng cheeks ko

"Baba ka jan! Umayos ka nga! Aray ko Luis!"

Pag alis niya ng kamay niya pinalo ko siya sa braso. Ang sakit kaya!

"O, tubig"

Ayos to ah. Pero dahil uhaw ako, kinuha ko na. HAHA!

"Yieee!"

Sabi nilang lahat

"Sabi mo hindi kayo?"

Sabi ni Lyka

"Guys friends lang tala--"

Kelan ba ko matatapos magsalita?!

Bigla bigla na lang akong inakbayan ni Luis

"More than friends but less than lovers"

Ha? Napaisip ako bigla. More than friends? Less than lovers? Hindi ko maintindihan.

Hay nako! Wag ka nga magassume Summer. Magtigil!

Tapos inalis niya yung pagkakaakbay niya sakin tapos lumabas na pero tumigil muna siya sa may door

"Hatid kita mamaya"

And tuluyan na siyang umalis.

Gago talaga yun!

"Guys, wala yun ok? Game na ulit tayo"

Tapos nagpractice na ulit kami.

Forever is not a wordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon