Reau's POV
Saturday ngayon. Syempre wala kaming pasok. Naisipan kong pumunta kila Summer tutal wala din naman akong ginagawa.
Papunta na ko sa kanila ngayon. Oo! Agad agad.
Pag dating ko sa kanila binati ako nung mga trabahador nila. Ang dami!
Dumeretso ako sa room niya.
For sure tulog pa to!
"Good morning Summer Alexandra D. Montes!"
Lumingon lang siya sakin and nagsmile tapos nanuod na ulit ng BARNEY AND FRIENDS?! Nanaman?!
Iba kutob ko ah. Nanunuod lang siya nun pag masaya siya or malungkot.
Lumapit ako sa kanya. Yakap yakap niya yung panda na binigay ni Luis.
"E bakit yakap mo?"
"Ha? Wala lang. Masama?"
"Sus! Ok ka lang ba?"
"Yup."
"Feel ko hindi e."
Nagsmile lang siya sakin. Yung smile na kita mo sa mata na malungkot.
"See! Hindi ka nga ok! Tell me. Go"
Hindi to magtatago sakin promise!
Humarap siya sakin.
"Tara sa seaside"
Tapos hinila niya ako palabas.
Sa car niya kami sumakay.
Dala dala niya pa din yung panda.
About kay Luis to e.
Dumating na kami sa seaside.
Umupo lang siya sa seawall.
"Summer, tell me what happened"
"Reau, bakit ganon. Nung sinabi ni Luis na we're more than friends but less than lovers sumaya ako pero nung umuwi kami sabi niya wag ko na lang pansinin yun biglang nawala yung energy ko? Bakit ganon Reau?"
What?! OMG! Inlove na ba si bessy kay Luis? Oh no.
What to say what to say? Susuportahan ko ba siya or pipigilan ko kasi diba alam niyo naman si Luis. Pero gusto ni Summer si Luis, first love niya si Luis. Love agad?! Di pa nga sure e.
"Bessy? Umamin ka nga. Do you like Mr. L Silverio?"
Tumingin lang siya sakin. Blanko yung expression. Parang sobrang dami niyang gusto sabihin pero natatakot lang siya.
"Do I like Mr. L Silverio? HAHAHAHAHA! Yes. I think I do!"
Yung expression nya na masaya, sobrang fake. Ang higpit ng hug nya dun sa panda.
What am I gonna do? :(
Nilapitan ko sya then hinug
"Bessy, alam ko yung feeling mo. Hindi pa huli ang lahat. Simula pa lang yan."
"Bakit ganito yung nararamdaman ko! Sh*t! Ang hirap!"