Summer's POV
Hay, ang KJ talaga nung apat na yon!
And wait. Totoo ba yung narinig ko? Sakin lang siya.. Sweet?
Napaisip ako. Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni Josh nung nasa EK kami.
Flashback..
After the rides napagod na kami kaga pumunta na kami sa may bench para magpahinga. Yakap ko yung panda na nirequest ko kay Luis.
"Bessy, hindi pa ba tayo uuwi?"
Tanong ni bessy sakin na mukang pagod na pagod na. Bawala siya mastess, remember?
"Yup bessy. Konting pahinga lang"
Nagnod na lang siya and umupo na ulit sa bench
Bigla akong nilapitan ni Josh
"Summer, can we talk?"
"Sure."
"Medyo private e"
"Ah sige dun tayo"
Tapos tumayo ako and medyo lumayo kami kina bessy
"Ano kasi"
"May problem ba?"
"Kasi Summer, napapansin ko na iba na kayo ni captain. Kayo na ba?"
"No. And yung nakikita niyo, close na siguro talaga kami kaya ganon. Ewan, pero ang alam ko at nararamdaman ko, komportable lang talaga kami sa isa't isa."
"Sabagay. Pero may feelings ka na ba sa kanya?"
Uh-oh. I hate the question. May feelings na nga ba ako kay Luis? Meron na ba?
"Ah? Wala"
"Buti naman. Ingat ka Summer ha? Playboy yang si Luis. Marami na yang naging babae. Wala pa yang sineryoso."
"Oh? Talaga. Pssh"
"Oo and be alert ha? Yun lang"
Then umalis siya and bumalik na sa bench
Maya maya napansin kong wala si Luis
"Guys, have you seen Luis?"
"Ha? E kasama lang natin yun ah!"
Sabi ni Jasper
Lahat kami biglang nagtaka kung bat biglang nawala si Luis
