Chapter 25: Talking about Forever

56 2 0
                                    

Luis' POV

Nahatid ko na si Summer.

Babalik na ko sa school ngayon.

Napapaisip ako kung pano makakalimutan ni Summer yung nangyari kanina.

Maya maya nakarating na ko sa school

Nasa waiting area silang apat.

"Bro, ano bang meron sa inyong dalawa?" -Jan

"Oo nga, nililigawan mo ba si Bessy?"

"Friends kami. Hindi ko siya nililigawan. Naging komportable lang kami sa isa't isa kaya naging ganito kami kaclose. Bawal ba? Teka nga! Bat nandito kayo?"

"Cut class"

"Bakit?"

"Nagaalala kasi kami kay Summer" -Josh

"Lalo na ko! Never natakot ng ganyan si bessy! As in NEVER! Sa multo lang siya natatakot"

"Anong ginagawa niya pag natatakot siya?" -Luis

"Pumupunta sa beach or sa EK"

"EK?!" Sabay sabay naming apat sinabi

"Yes?"

"San yun?" -Jasper

"Makareact kayo! Hindi niyo naman pala alam kung saan!"

"Oo na sige na. E san nga yun?" -Jan

"Enchanted Kingdom!"

Ay doon lang naman pala!

Alam niyo bang libre kami dun? Tito kasi namin ni Jan yung may ari nun. Oo, namin ni Jan. Pinsan ko si Jan. Magkapatid yung dad namin.

Anw, dun na lang namin dadalahin si Summer

"Ganito, absent tayo tomorrow. Dalahin natin si Summer sa Enchanted."

"Gusto ko yan! Ang tagal na din nating hindi nakakapunta dun" -Jan

"So deal? Absent tayo tomorrow? And wag natin to ipapaalam kay Summer. Surprise natin to sa kanya."

"Ok boss!" -Jasper

"Ano na? Papasok pa ba tayo sa next class or ano?"

"Tambay na lang tayo sa field."

Nagagree naman sila kaya pumunta kami sa field.

Wala masyadong tao kaya matahimik.

"Nagkaboyfriend na ba si Summer?" -Jasper

"Oo nga, ang dami pa naming hindi alam sa kanya." -Josh

Nice topic guys.

"Well, NBSB siya"

"Si Summer?! NBSB?! Weh?" -Jan

"Oo! Kahit ganon kaganda and ka-hot yung bestfriend ko na yun never pa siyang nainlove. And guess what!"

"What?" Sabi ko

"Hindi siya naniniwala sa forever."

"Seryoso? E eto ding lalaking to hindi naniniwala dun e" sabay turo sakin ni Josh

"Oh? Ikaw din? Bakit?"

Ha? Sasabihin ko ba?

Sige na nga, mapagkakatiwalaan naman tong si Reau e.

"Kasi there's a girl na sobrang mahal ko. Annie Santiago is the name. First and last love ko siya. Nung una naniniwala pa ko sa lecheng forever na yan pero nung iniwan niya ko, dun na ko nagsimula magduda sa forever."

"Sorry ah pero bat ka niya iniwan?"

"Kaylangan niya pumunta sa US. Kinuha siya ng mom niya para dun na siya magaral. Natatakot daw siya sa long distance relationship kaya nakipagbreak siya sakin. Halos 2 years din tumagal yung relationship namin."

"So kamusta ka na ngayon? Ok ka na?"

"Simula nung nakilala ko si Summer, ewan pero unti unti ko na siya nakakalimutan."

"Eto Luis ah. Kung ginagamit mo lang si Summer para makamove on ka, itigil mo na. Kasi kung sa ugali ni Summer suko ka na, what more kung dadagdag pa yung lima niyang kuya? Plus 1!"

"Hindi ko siya ginagamit. Komportable lang talaga ako na kasama siya. Promise!"

Sorry Reau pero kaylangan ko siyang gamitin para makamove on ako kay Annie.

"So si Summer naman. Bat hindi siya naniniwala sa forever?" -Jan

"Nagsimula yun nung namatay yung mom niya. Bata pa lang kasi si Summer laging sinasabi ng mom niya sa kanya na "I will be right by your side Forever, Sam" as in everyday everynight niya sinasabi kay Summer kaso hindi natupad yun kasi nga tegi na. Tapos lalo pang nawala yung paniniwala niya sa forever nung nabroken ako. Hindi ko muna ikekwento sa inyo yung about sakin. Basta ayun, sa tingin ng iba mababaw yung reason pero sa loob ni Summer sobrang lalim nun."

Alam ko na yung past mo Reau. Sobrang naaawa pa nga ako sayo diba? Pero alam ko, kaya mo yan!

"Meant to be talaga kayo ni Summer!" -Jasper

"Bakit?"

"Parehas kayo mayaman. Parehas kayo masungit. Parehas kayong famous. & parehas kayong hindi naniniwala sa forever."

"Wala sa ganon yun bro! Tara na nga umattend ng class. Baka nabibilaukan na yun si Summer ngayon."

Tapos bumalik na kami sa class.

Ang hilig naming hindi umattend sa klase. Pano ba naman! Sobrang boring kasi first month pa lang ng pasukan.

--

A/N

Have a good night everyone!

Love,

The authors

Forever is not a wordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon