Chapter 17: Boring week

47 2 0
                                    

Summer's POV

Napansin ko, simula kahapon ang sweet na sakin ni Luis. Ako din naman sa kanya. Ano na kaya kami? More than friends? Siguro bestfriends na kami. Kaso diba worst enemy ko nga siya? Kaso dati lang yun! Ang gulo ko ah! Pero mas magulo kami ni Luis

(Baka may gusto na sayo si Luis?)

Ay kabayo ka Author!

(Kabayo? Ok may time pa para palitan yang role mo)

Nagulat lang! And anong gusto pinagsasasabi mo jan? Hello? Ang bilis naman. Halos 1 week pa lang kami magkakilala oh!

(Sabi ko nga. E bahala ka jan! Sinasabi ko lang opinion ko! Bye!)

Tampo agad Author?

Pero seryoso, kung ganon, ang bilis naman! Hindi pa nga ako ready e!

Ay ewan.

Natapos na ang araw na to ng ganon ganon na lang. Yung sweet sakin si Luis tapos nagtataka ang lahat.

Buong week ganito.

Mabilis lumipas ang mga araw. Friday na kagad ngayon. That means! PE day! Waaaaa makikita ko si Luis maglaro ng basketball for the first time in forever!

Hindi nga pala ako naniniwala sa forever.

Edi for the first time in history na lang!

"Ok, boys, magpalit na kayo sa locker room. May practical tayo ngayon. Ang girls, next week pa kayo and mauna na kayo sa gym. Sabi ng PE teacher namin.

Pumunta na kaming mga girls sa gym.

Habang papunta..

"May practical ngayon yung section nila Captain!"

"Nuod tayo!"

"Tara!" Then takbuhan silang lahat papuntang gym.

Nang makarating kami, sa front row kami umupo ni bessy. VIP e hahahah

After a couple of minutes, nagsimula na din yung practical.

Ang hot talaga nung 4 hot dudes. Grabe.

Halos yung apat lang yung gumagawa.

Eto namang mga tao sa gym, sobrang ingay. Cheer ng cheer. Akala mo naman PBA!

Nakatingin lang ako kay Luis.

Ang seryoso niya maglaro.

Ang hot niya! Leche!

Maya maya naka 3 points siya tapos bigla siyang tumingin sakin tapos smile.

Kinilig naman ako dun! Ano ba yan Summer!

Walang tigil sa pagchecheer yung mga tao dito.

Ok, may mas OA pa pala sakin.

Natapos na yung game. Saktong uwian na namin. Hindi na namin nahintay yung 4 hot dudes. Nauna na kami umuwi.

Habang nagdadrive ako napapaisip ako

Ang galing pala talaga maglaro nung apat e. Lalo na si Luis. Hindi na ko magtataka kung bat Captain siya.

Grabe hindi ko maexplain kung gano siya ka hot! Hindi ko to kinakaya.

Ok, landi mode nanaman Summer!

Maya maya nakarating na ko sa bahay.

Dumeretso ako sa room ko and nagpalit ng damit.

What a day. Good night world!

Forever is not a wordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon