Chapter 22: Sunset

46 2 0
                                    

Luis' POV

Ang gago naman nung Jet na yun!

Kawawa tuloy si Reau.

Hinding hindi ko yung gagawin kay Summer. Ay sa kung sino man palang magiging girlfriend ko.

Nandito pa din kami ngayon sa seaside.

Medyo malapit na lumubog yung araw. Maggagabi nanaman. Maghihiwalay nanaman kaming dalawa.

"Ikaw, try mo kaya sumigaw. Ang sarap kaya sa feeling"

"Ayoko nga, nakakahiya! At ano namang isisigaw ko?"

Ano nga bang isisigaw ko?

"Anything. Pero mas better kung yung malungkot. Para mawala sa loob mo."

Pwede banga *Summer! Buti na lang nagkabanggaan tayo! Buti na lang wala kang kasama nung event! Buti na lang nakilala kita?*

"Hoy Luis! Ano na? Pangiti ngiti ka pa jan! Go na!"

Wag na nga lang yon! Baka kung ano pa isipin niya.

"Parker! Miss na miss na kita! Ingat ka kung nasan ka man ngayon!"

Woo, sarap sa feeling.

"Parker?"

"My dog"

"Your dog?!"

Tapos tumawa siya ng sobrang lakas

"What's funny?"

Anong nakakatawa dun?

"Nothing" tawa "You're so cool and weird"

Napasmile na lang ako. Ang cute niya tumawa. Parang bruha.

Tapos bigla siyang bumaba sa seawall. Aba teka. May nakalimutan ata to. Naglakad siya palayo.

"Hey!"

Tapos humarap siya sakin

"Why?"

Then inabot ko yung kamay ko

Tumingin siya sa kamay ko then sa muka ko tapos nagsmile siya.

Grabe ang ganda niya.

Lumapit siya sakin tapos hinawakan niya na yung kamay ko.

"Sorry"

"For?"

"I forgot our deal"

"It's ok, Summer"

"Promise?"

"Yup. So san na tayo pupunta ngayon?"

"Hindi ka pa ba napapagod?"

Summer, pag ikaw kasama ko hinding hindi ako mapapagod. Hindi ko alam pero sobrang komportable akong kasama ka.

"Hindi pa. Why? Are you tired? Tara, uwi na tayo."

"No, wala naman akong gagawin sa bahay"

San ko ba siya dadalahin? Yung hindi siya mabobored.

Ah! Alam ko na.

"Peram phone mo"

"Why?"

"Basta. Hindi ako magbabasa ng messages mo."

Then inabot niya sakin yung phone niya

Binuksan ko yung camera

"Smile ka! Madami to"

Tapos clinick ko ng sunod sunod.

"Ang dami naman!"

Para kung idedelete mo man, tatamarin ka na kasi ang dami dami.

Forever is not a wordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon