Chapter 3

1.8K 25 1
                                    

Ang Biyenan Ko'ng Kontrabida

Chapter 3

Kanina pa naiinis si Elmo sa lalaking kausap ni Julie. Sabi ni Julie, kaibigan daw niya ito at kailangan lang siyang kausapin dahil na miss daw siya.

“Julie! Naka-limutan ‘ko yung cellphone ‘ko sa kwarto natin. Pakuha naman!” utos ni Elmo. Sinadya niya talagang utusan si Julie para maka iwas ito sa lalaki. Nag tatawanan kasi ang dalawa at may pa hawi-hawi pa ng mukha.

“BABE! May kausap ako diba?!” she replied sabay pinalaki ang mata kay Elmo.

“Eh sige na BABE. Niluluto ‘ko kasi yung meryenda NYO.” Sabi naman niya na parang ayaw na ayaw ang gagawin niyang pagluto sa meryenda nila.

“Oo na nga. Andrey, wait lang ha?” paalam niya sa kabigan.

“Okay, sige.” Tinanguhan nalang niya si Julie.

“Okay.” Tumayo na si Julie at umakyat na para kunin ang cellphone ni elmo.

“Buwahahahaha.” Evil laugh ni elmo na narinig ni Andrey.

“Elmoooo! Wala dito!” sigaw ni Julie sa taas. Kanina pa siya doon. Mag t-twenty minutes na. tapos na rin makapag meryenda si Andrey at inip na rin ito sa pag hintay.

“Nandiyan lang yan! Wag kasi ilong gamitin sa pag hahanap! Try mo mata!” sigaw naman ni elmo pabalik.

“Oo na!!!!” asar na sabi ni Julie.

“Hahahaha!” tawa ni Andrey sa kakulitan ng dalawa.

“Tawa ‘ka diyan?” mataray na tanong ni Elmo.

“Nakaka tuwa naman pala kayo’ng mag asawa.” Naka ngiting sabi ni Andrey.

“Ah. Syempre naman. Mag ASAWA nga diba?” pag paparinig niya.

Napa tango nalang si Andrey dahil may nase-sense siyang hindi maganda sa pagitan nila ni Elmo.

Padabog na bumaba si Julie dahil hindi naman niya nahanap ang cellphone ni elmo. Nakapag paalam na rin si Andrey at umalis na dahil may lakad pa ito. Naka isang oras na si Julie sa pag hahanap, pero wala pa rin.

“Emong, wala talaga eh!!!” sabi niya na parang batang nagta-tantrums.

“Try mo kayang i-miss call.” Suhestion ng katulong nila na si Yaya Elaine.

“Oh sige po, Manang.” Sambit ni Julie. Kinuha ni Julie ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ni Elmo.

“Teka! Wag! Wag!” at wala na siyang nagawa ng….

Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon