Chapter 13

1.3K 24 6
                                    

Ang Biyenan Ko’ng Kontrabida

Chapter 13

“Julie… ‘kung sasabihin ko’ng Mahal kita… Anong gagawin mo?” Seryosong tanong ni Elmo habang nakikipag eye contact kay Julie.

Panandaliang natahimik ang dalawa, parehas naka tingin sa isa’t isa… Maya maya ay umiwas si Julie at tumingin naman sa paligid.

“Ah, Naku, Elmo! Gabi na pala! Kung umuwi na kaya tayo? Baka hanapin na tayo ni Tita. Tara na!” Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Elmo at dire-diretso itong naglakad palayo sa Asawa.

Pinagmasdan lang siya ni Elmo at bumuntong hininga at kalaunan ay sumunod na rin kay Julie.

Tahimik lang ang dalawa sa biyahe hanggang sa maka uwi na sila. Pag uwi nila ay bumungad naman si Pia na naka pamewang pa sa Mag-asawa.

“Where have you been?” Naka taas kilang nitong tanong.

“Tagaytay.” Cool na sabi ni Elmo habang nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

“What?! Alam mo ba’ng hindi tinanggap ni Mr. Meneses ang proposal natin dahil ikaw daw ang gusto niyang mag present nun?! Ano ka ba naman, Elmo!”

 

“Ma, gusto ko lang naman makapag bonding kami ng asawa ‘ko.” Tapos akbay pa ‘kay Julie.

“So Uunahin niyo pa talaga ‘yan ha?!”

 

“Julie, Umakyat ka na muna sa kwarto natin.” Palihim na bulong ni Elmo sa asawa. Sinunod ito ni Julie at umakyat na nga.

“At saan naman pupunta yun, ha?!”

 

“Ma, as far as I know, walang kinalaman si Julie dito when it comes to our business.”

 

Nang-gi-gi-gil na tinikom ni Pia ang kaniyang mga kamao at Dire-diretsong umakyat sa taas ng hindi na pinansin ni Elmo.

He sighed. Hanggang kelan pa ba ‘to? 5 days pa lang nags-stay dito si Pia pero parang sa kanya ay 1,000 years na? Hays.

Naabutan niyang nagbabasa si Julie ng libro habang naka higa at naka patay pa ang ilaw. Tanging lampshade lang ang nagiisang liwanag sa buong kwarto. Biglang binuksan ni Elmo ang ilaw na ikinagulat naman ni Julie.

“Nakaka gulat ka naman! Hindi ko man lang naramdaman na pumasok ka, tsaka bakit hindi ka man lang kumatok?” Sunod sunod na tanong nito sa Asawa.

“Kailangan pa ba nun? Tsaka, bakit ka nagbabasa ng patay ilaw?”

 

Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon