Chapter 12

1.3K 24 5
                                    

Ang Biyenan Ko’ng Kontrabida

Chapter 12

“Jules… Pupunta ako ng Airport bukas, Susunduin ko lang yung friend ko. Si Lorraine. Sama ka?” Tanong ni Elmo sa asawa na nasa C.R. Habang nag to-toothbrush.

Inayos muna ni Julie ang toothbrush niya at nilagay sa lalagyanan at saka hinarap si Elmo. “O sige, ayaw ko naman ma-bore dito e.”

 

“Bored ka na pala dito. Hindi mo man lang sinasabi.”

 

“Eh, bakit ba? Hahaha!”

 

5  seconds awkward silence.

“Alam ko na!” Masiglang sabi ni Elmo ‘kay Julie.

“Ano?” Kunot noong tanong naman ni Julie.

“Bisitahin natin parents mo!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Alam mo, Elmo.. Si Julie nag iisang babae ‘yan. Bunso pa. Pero siya ang nagtataguyod sa pamilya namin.” Proud na sabi ng Mama ni Julie na si Jessica. Nandito na sila ngayon sa Tagaytay kung saan nakatira ang pamilya ni Julie. Mahigit 2 oras lang ang biyahe kaya hindi naman sila gaanong nahirapan sa biyahe.

Elmo chuckled. “Wala po ba’ng mga trabaho mga kuya niya?”

 

“Meron naman. Kaso, Ayun, May sari-sarili na silang Pamilya kaya hindi talaga sapat ang kita nila.” She smiled habang pinagmamasdan si Julie na kausap ang mga Kuya at mga pamangkin niya.

“Alam mo, Yan si Julie Anne… Ya’ng batang ‘yan ay hindi sanay ng sumusuko agad. Nung bata pa siya lagi niyang sinasabi na ‘Macho ako!’…” She paused then chuckled. “…Kaya ikaw hijo, sana alagaan mo ya’ng anak ‘ko ha?”

 

“Oo naman po, Tita Jess.”

 

“Ano nga palang trabaho niya sa’yo?”

 

“Uhm…” bigla namang kinabahan si Elmo pero syempre hindi niya ito pinahalata. “Secretary ‘ko po siya, Tita.” He then smiled.

Napapansin ni Jessica na iba ang tingin ni Elmo ‘kay Julie. “Hijo, may gusto ka ba sa anak ‘ko?”

Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon