Ang Biyenan Ko’ng Kontrabida
Chapter 10
AND THE NEXT THING THEY KNOW………………
Parehas na silang nasa ibaba ng kama dahil nahulog sila pareho! Tinulak kasi ni Julie si Elmo ng malakas para mapa alis niya ito sa ibabaw. Nang tinulak niya ito ay nalaglag si Elmo, sinilip niya ito dahil hindi nag react si Elmo at nung pag silip niya ay bigla siyang hinila ni Elmo (May halong biro) kaya nalaglag din siya pero yung ulo niya dun bumagsak sa dibdib ni Elmo kaya hindi ganoong nasaktan si Julie.
“What the?! Ikaw talagang kupal ka----!!!” Sabay hampas sa dibdib ni Elmo.
“A-aray! Baby! Stop it!” Habang pinipilit na kunin ang kamay ni Julie.
“Baby your face!!!” Pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga hampas ni Julie. Hahalikan na lang niya sana ito para tumigil ng biglang…..
“Ehem. Ehem.” Singit ni Pia. Nagulat ang dalawa at naunang tumayo si Julie at Sumunod namang umayos si Elmo.
‘Wrong timing, Mom.’ Isip ni Elmo.
“Nakakaistorbo ba ako? Pasensiya na ha? I’m trying to sleep kasi. And by the way, Julie Anne—May bisita ka sa labas. Andrey daw pangalan. Kabit mo? Elmo oh. Sinasabi ko na sayo, may masamang intensyon to’ng babaeng ‘to.” Kalmado niyang sabi pero halatang iniinis ang dalawa.
Napayuko si Julie. Ewan ba niya, pero bigla nalang namasa ang mga mata nya. Ganun ba talaga ang iniisip ni Pia sa kaniya?
“Tita, hindi naman po ako ganung klaseng babae—“
“Anong hindi?! Malinaw na e! Halata namang pera lang naman ang habol mo sa anak ko e!” Pansin ni Elmo na paluha na si Julie kaya naman…
“Mom! Stop this, please!!!” Sigaw ni Elmo sa ina. “Ano ba’ng atraso ni Julie sa inyo at ginaganito niyo siya?! Ma, Mahal ko si Julie! Ano pa ba’ng gusto niyong malaman ha?! Bakit ba parang kontrabida ka sa amin? Ano ba’ng ginawa ng relasyon naming sayo?” Naka kunot noong tanong ni Elmo habang si Julie naman ay humihikbi na.
Panandaliang natahimik si Pia. “…Elmo, hindi ako panatag sa babaeng ‘to. Tingin ko may masama siyang intensyon sayo…”
“Pwes, tingin mo lang yun, Ma. Julie’s a good wife, good child, good sister… Almost perfect. Pero… iba yung iniisip mo sa kaniya.”
“El—“
“Just stop this, Ma. What’s ours is ours, And yours is yours.”
Wala ng nagawa si Pia kung hindi ay umalis sa silid na iyon at hayaan nalang ang anak niya kasama ang asawa nito. Pag alis ni Pia ay binaling ni Elmo ang atensyon kay Julie na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Rinig na rinig sa buong silid ang hikbi nito na ikinabahala naman ni Elmo.
BINABASA MO ANG
Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)
Fanfic"Ako pa rin ang reyna, ako pa rin ang kontrabida."