Chapter 17

933 20 3
                                    

Ang Biyenan Ko’ng Kontrabida

Chapter 17

Naabutan ni Pia ang mag asawa na masayang masaya habang kumakain na siya naman ipinagtaka niya. Inaasahan niya kasing mag kaaway ito ngayon dahil sa nangyari kagabi.

“Ahm, T..tita Pia, kain na po kayo.” Nahihiya pero naka ngiting sabi ni Julie. Napatigil naman sa pagbaba ng hagdan si Pia. Bakit ganun? Hindi ba dapat na mainis siya dahil okay sina Elmo at Julie pero parang nawala lahat yun ng matanto niyang nagca-care pa rin si Julie sa kanya sa kabila ng pinaggagagawa niya kay Julie.

Walang imik si Pia habang umupo na sa lamesa at sinabayang kumain ang dalawa. She looked at Elmo per okay Julie lang naka tuon ang mga mata nito.

‘He’s really happy with, Julie.’ Isip niya. ‘But no, kailangang matuloy ang plano namin ni Lorraine.’

Naunang matapos sa pagkain sina Julie at Elmo kaya naman binilisan ni Pia ang pag kain niya dahil gusto niyang humingi ng patawad sa anak. At nang matapos nga siya ay sinundan niya si Elmo na naglilinis ng pool habang si Julie naman ay naghuhugas ng pinagkainan nila.

“Moe…”

“What now, Ma?” Walang emosyong sabi ni Elmo.

“I want to say sorry.”

“Sorry nanaman, Mom? Tapos ano? Mauulit lang din? Can you just give us some space? Kaya na naming ang sarili namin.”

“Alam ko naman yun e. Truth is, pinoprotektahan lang kita.”

Elmo laughed bitterly. “Saan naman?”

“Kay Julie.”

“Ma ano ba? Sinabi na sayo’ng walang intensyong masama sa akin si Julie e! Mahal niya ako at hindi ang pera natin! Can you just accept it? Ma please, for once! Hayaan mo naman akong maging masaya!”

Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon