Chapter 1

2.3K 34 2
                                    

Ang Biyenan Ko’ng Kontra-Bida

Chapter 1

“Elmo Moses Magalona, Seriously?! Ikakasal ka na sa isang araw?” hindi makapaniwalang tanong ni Pia sa anak.

“Yes mom. ngayon ko lang talaga to sinabi sayo para hindi ka na maka-kontra.” sagot naman ni Elmo sa ina. 

 “I dont even know the girl that you will marry!”

“You will know her soon mom.” 

“What is her name?” pangungulit pa nito sa anak. Elmo just sighed. alam nyang hindi magpapatalo ang Ina niya.

“Julie. Julie Anne.” Naka ngiting sambit nito sa ina.

*

“Elmo! Wag na kaya nating ituloy ito?” Nag-aalalang sabi ni Julie kay Elmo.

“Huy! Taba, alam mo ba ya’ng sinasabi mo? Kaya nga kita hinire bilang fake wife ‘ko kasi para makuha ‘ko na yung pamana ni Lola na ibibigay niya lang dapat sa akin kapag may asawa na ako. Wag ka’ng mag alala, babayaran naman kita.”

“Grabe, Elmo hah! Seven words lang ang sinabi ‘ko, pero ang dami ng galing sa’yo.” Hindi alam ni Julie kung matatawa ba siya sa pinagsasasabi ni Elmo o ano.

“Eh kasi naman eh! Alam mo naman kung gaano kahalaga yung perang yun sa akin, diba?”

“Oo… eh kasi mali naman ata—“ natigilan siya ng biglang lumapit sa kaniya si Elmo at bigla siyang niyakap. Nagtaka siya. Itutulak na niya sana ito ng biglang bumulong sa kaniya si Elmo.

“Subukan mo, andiyan si Lola sa labas. Makikita niya tayo.”

Inikot ni Julie ang puwesto nila ni Elmo at nakita niyang binabantayan nga sila ng Lola ni Elmo kaya naki-sakay nalang siya.

“Babe! Tara, Akyat muna tayo.” Sinadya niyang lakasan ang pag sabi sa ‘BABE’ para marinig ng kaniyang Lola.

“Sige Babe.Tatawagan ‘ko na rin yung wedding planner.” Elmo intertwined his hands with hers. Kinikilig tuloy si Julie kahit hindi dapat.

Pagka akyat nila sa kanilang kwarto, biglang tinulak ni Julie si Elmo mula sa pagkaka dikit nila, kaso magka hawak sila ng kamay kaya nasama rin si Julie sa pagbagsak nila ni Elmo sa kama.

“Uy! Ano ba!” tinulak ni Elmo si Julie dahilan para malaglag ito sa kama.

“Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!” napa balikwas si Elmo at tumayo upang tignan si Julie. Tumama ang noon ni Julie sa side table nila.

Ang Biyenan Kong Kontrabida (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon