-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-
Potato & Lettuce
-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-Ako nga pala si Clara Castillo. Senior student na ako. Meron akong mga kaibigan na gusto kong ipakilala sainyo sila ay sina Franco, Jeremiah, Kara, Mary at si Ashley. Naging kaibigan ko sila simula ng bata pa ako hangang ngayong senior student na ako. Masyadong weird kung pano kami nagkakilala pero isasama ko parin sa kwento para sainyo.
Dahil nag - out of the country ang aking mga magulang sa Europe (medyo mayaman kasi kami) at abala ang aming mga katulong para sa aking 7th birthday, naisipan kong lumabas ng bahay. Actually, first time ko. Boring pala ang nagiisang anak lang. Nakakalungkot ang walang kapatid. Pagkatapos kong maglakad - lakad ay nagpahinga mako sa ilalim ng puno ng akasya. At ako'y nakatulog, Nang medyo nagising na ako, 'di ko muna iminulat ang aking mga mata dahil may narinig akong mga boses na pumapalibot sa akin.
"Sino kaya siya?"
"Ewan ngayon ko lang siya nakita ehhh."
"Patay na kaya siya?"
"Baka nga, tara kuha tayo ng flowers para sa kanya."
"Oo nga. tara pumitas tayo nung santan."
Bigla kong binuksan ang aking mga mata.
"Waaaaaag! Di pa ako patay"
Nagtinginan sila sa isa't isa. At sabay - sabay na sinabing:
"Aaaaaahhhhhhh! Multo! Takbo!"
Ha? Buhay pa naman ako ah? Hinabol ko sila para makapagpaliwanag.
"Magtago na tayo!" sabi nung isa.
Ano ba' to? Ba't ayaw nilang maniwala. Basta 'di ako susuko. Hinanap ko sila at nakita ko yung babaeng maganda. Mataas ang pagkatali ng kanyang kulotna buhok.
"Huli ka! Ano ba kayo? Hindi naman ako multo. Buhay na buhay ako.Hawakan mo man ako. Oh!"
"Ayy. Oo nga no? Ui, ano ba magsilabasan na kayo diyan. Di naman siya mumu."
Nagsilabasan nga sila mula sa kanilang pinagtataguan. Humarap sa akin ang babaeng may mataas na tali at sinabing.
"Pasensiya ka na ah, di naman namin sinasadya. Akala kasi namin patay ka na. Ako nga pala si Ashley."
At isa - isa na rin sila nagpakilala ang mga kasama niya.
"Ako si Mary."
"Ako si Kara."
"Ako naman si Jeremiah."
"At ako naman si Franco."
"Ahhh. Ok lang yun' no. Ako pala si Clara. Sorry din. Natakot ko kayo."
"Ano ka ba? mas ok nga yun eh. parang naglaro narin tayo, 2 in 1 pa nga ehh. Habulan at taguan. Gusto mo maging magkakaibigan na tayo?" sabi ni Kara
"Oo sige. Wala pa naman kasi akong kakilala dito. Siya nga pala, gusto niyong pumunta sa bahay namin? Isama niyo na rin mga parents niyo. Birthday ko kasi ehh."
"Sige ba. Oh sige mag - gagabi na pala. Uwi na ako ha." sabi ni Mary
At isa - isa na silang nagpaalam sa akin. Maraming salamat sa puno ng akasya na kundi dahil doon. di ko makikilala sina Franco, Jeremiah, Kara, Mary at Ashley.Ang aking mga pinakamamahal na kaibigan! At simula noon naging tambayan na namin ang punong iyon.
-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-
All Rights Reserved
Levi_angelo98
BINABASA MO ANG
M.M.K (Mga Maiikling Kwento)
Kısa HikayeM.M.K (Mga Maiikling Kwento) Is A Compilation Of Short Stories That Gives Moral Lessons To The Readers. The Following Short Story Are Concentrated To Romance. But Some Story Are Concentrated In Believing To Our Loving And Caring Father Jesus Christ.