Potato & Lettuce Chapter V

126 11 0
                                    

-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

                                          Potato & Lettuce
 
-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

Nang dismissal time na, pinili kong wag munang sumabay sa mga kaibigan ko. Gusto ko munang mapagisa.

"At hindi ako inlove"

Patuloy na nagfaflashback yung linya na yan na sinabi ko kanin. Kaya naman, napag - isip isip ko. Di nga ba ako inlove? Parang nahulog na ako kay Lettuce. Kahit hindi ko pa siya nakakausap ng personal. Komportable kasi ako. Napapatawa niya ako. Nakakapagshare ako ng problema sa kanya at handa naman siyang makinig at tumulong and things like that. Eh paano kung di pala siya ganoon sa personal? Paano kung kabaligtaran siya? Ano ba yan, ang daming gumugulo sa isip ko. Ayan tuloy, napapabayaan ko na ang pagaaral ko. At.......

"Clara, tabi!"

 "Huh?"

At sinagip ako ni RJ sa rumaragasang truck. Sa sobrang lalim ng pag - iisip ko, di ko namalayan yun. Buti nalang nandiyan siya kundi muntikan na akong namatay.

"RJ, salamat." Sabi ko

"Ah wala yon. Mag - iingat ka sa susunod ah," Sabi niya

Sabay alis papalayo sa akin. Ano ba 'to? Nagbago na nga nang tuluyan si RJ. Kaso tumigil siya malapit sa akasya kung saan kami nagkakilala ng mga kaibigan ko at binalikan ako. Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Parang ibang RJ ang kausap ko. Nakakapanibago.

"Gusto mo sabay na tayong maglakad? Since magkapitbahay lang naman tayo. Para safe ka."

" O sige, tara." Sabi ko

Ayoko namang tumanggi. Nakakahiya. Pagkatapos niya akong sagipin. Syempre parang utang na loob ko na lang sa kanya yung pagsama ko sa kanya pauwi. At tama siya, para maging safe ako. Para di maging boring ang paglalakad namin, kinausap ko siya. Ang galing, close na kami agad. Madali pala siyang pakisamahan.

"Ay, lagpas na pala tayo." Sabi ko

"Oo nga eh. Napasarap kwentuhan natin no? Tara balik." Sabi niya

Nang pabalik na kami, naging malalim ang usapan.

"May gusto ka ba kay Peter? Bigla niyang sinabi."

"Ha? Ako? Kay Peter? Wala no. Bakit? Gusto niya ako? Hahahaha. Joke!"

Pero di siya tumawa. Ang seryose talaga niya.

"Oo, gusto ka niya. At mahirap sa part ko. Dahil nasasaktan ako. Di ko naman masabi kay Peter dahil bestfriend ko siya. At masaya siya sayo. Sorry kung ako yung umamin para sa kanya. Di ko lang kasi mapigilan ang nararamdaman ko. At... may isa pa akong aaminin. Ako si Lettuce. Yung kausap mo sa chat everyday. Gusto ko lang malaman mo na nung kachat mo ko ng mga araw na yon, totoo lahat ng mga sinabi ko. Ako lahat ng yon. At salamat sayo, dahil sayo, nagbago ako. Sana di masira ang friendship natin sa pag - amin ko. Hindi naman ako nag - eexpect pero handa rin akong maghintay. Sige, hanggang dito na lang. Goodnight. Ingat ka palagi."

Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuh? Totoo?

-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-

 All Rights Reserved

 Levi_angelo98

M.M.K (Mga Maiikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon