eight

1.1K 35 0
                                    

Leygien's

Nagising ako ng may yumugyog sakin. "haaist! Bakit nang-gigising? Antok pa ako eh. Limang minuto "saad ko pero patuloy parin sila sa pag yugyog. Napabangon ako ng di oras at kinusot ang mata ko.







"Ano ba naman yan! Limang minuto nga mun--"nang malinaw na ang mata ko ay nakita kong naka yuko sila helga,afreihym,rackel, at may nakita akong mga bampira na naka palibot saamin. Ano ito? Kagabi wala namang bampira dito? Teka nasaan si Amairah?







"a-a-a-anong? "may dumating namang isang bampira . Ang gara ng damit nya. Pang yayamanin! At may maliit syang korona sa buhok nya. Hairpin ata ito oo tama. Pero hindi ito ang oras para sa ganito.

"lisanin nyo na ang kwartong ito. Kakausapin ko sila"maawtoridad na sabi ng babae. Yea babae sya but nasa mid 30's na sya siguro?!

Nang maka alis na ang lahat ng vampires ay naka titig lang ako sa naiwang vampire. Ano namang sasabihin nya? Hala baka patayin kami! Ibihag kami ulit sa kulungan nayun! O kaya ipabitay kami! O di naman kaya sip-sipin ang mga dugo namin.

Ito naba ang simula ng digmaan?






"hindi ko gagawin ang iyong naiisip iha. Bagkus kaya ako nag paiwan ay dahil nalaman kong hinahanap ninyo ang nawawalang prinsesa. At dahil kayo ang mga royals sa royal families ay pinahihintulutan ko kayo dito sa Vampire World "saad nito.





Naka hinga naman kaming lahat ng maayos.




" salamat po maari ko bang malaman ang inyong pangalan? " Magalang na tanong ni hel "hm, ako si Heliena Roger. Ako ay mas kilala bilang Madam Principal "sagot ng babae. Siya siguro yung pinag usapan noong nakaraan.





Pinakain kami ng madam principal at pinasalamatan ko talaga sya dahil matagal nadin kaming di nakain. Pinuno ko talaga ang plato ko ng pagkain ko.





Sarap na sarap ako sa mga pagkain na inihain, andami pang mga prutas,
Pinaligo rin kami rito at pinagbihis ng kagaya sa mga maharlika sa mundo ng mga bampira.





"ang sarapppp. Naman dito maligo"saad ni helga, at dahil basa ako ay naging sirena akong muli. Napa tawa nalang si helga "hel, ano pang kaya mong ipakitang kakayahan? "saad ko "marami.. Ano bang gusto mo? "Ani niya






"Katulad ko?" At yun nga naging sirena rin siya, napatawa kaming dalawa pero napawi ang tawa namin ng maalala naming wala sa tabi namin si Amairah.






Umahon na kami at kinausap sila afreihym, "Nakita ninyo ba si Amairah?"tanong ni helga sa dalawa "wala siya?" Naguguluhang sagot ni afreihym





"Oo wala siya nung nakita tayo ng madam principal, hindi natin siya kasama, kanina lang namin naalala ni Helga na wala pala sa tabi namin si Amairah" saad ko






"saan naman kaya siya nagpunta?" Si Rackel ang nagtanong. Tahimik kaming tatlo na nag isip kung saan siya nag punta, ng biglang dumating ang isang bampira na nag ayos sa pagliliguan namin.





"Ah, maaari bang umalis muna kami? Pupuntahan lang namin ang aming kaibigan hindi kami lalayo dito" saad ko sa ale na bampira.






"Pag paumanhin ninyo po pero bawal ho kayong umalis, iyon po ang sabi saakin ng punong guro" saad nito sa malumanay na tono saka kami iniwan para asekasuhin ang pinagliguan namin.






Kami naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Nasaan ka Amairah? Iniwan mo ba kami?




Lieyhannah's





Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, tinakip ko ang braso ko para ibsan ang sinag na iyon, at dahan-dahan akong bumangon,



Nasaan ako?



Nilibot ko ang paligid ng aking paningin at nakumpirma kong nasa gubat ako, pero... Paano?




Mag lalakad na sana ako ng may maramdaman akong paparating, pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa lumabas ang may ari ng presensiya na nararamdaman ko.





"Ano ang iyong ginagawa dito? Sino ka?" Isa itong lalake na sa itsura ay binata, isa din siyang kagaya ko na mapula ang mata, bampira...




Napangisi ako na ikinakunot ng noo niya, mag sasalita pa sana siya pero mabilis ang naging pagkilos ko at inatake ko siya, sinakal ko ng isa kong kamay ang leeg niya at inamoy ko ang leeg niya, dugong bughaw....




Lumabas ang pangil ko at nabuhay ang mapupula kong mata, lalo itong naging itim na pula, kakagatin ko na sana ang leeg niya ng may maramdaman nanaman akong presensiya, mabilis akong lumipad sa tuktok ng puno hawak-hawak parin ang lalake.




Sa ibaba ay nakita ko ang dalawang lalake na may hinahanap, siguro itong lalakeng hawak ko ang hanap nila, naiiling akong napangisi at binitawan ang lalake sa leeg, nagkaroon ng marka iyon ng pangingitim dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.




Saka ko siya dinagukan sa batok niya para mawalan siya ng malay, at saka ko siya binitawan at mabilis akong kumilos na makapunta sa ibang puno, saka ko nakita sa ibaba na sinalo nila ang kaibigan nilang lalake.




Nag masid-masid pa sila at umaamoy sa paligid nila na lalong nag pangisi saakin, mga hunghang, inantay kong unalis sila at ng makaalis sila ay bumaba na ako. Pinatunog ko pa ang aking leeg, at naglakad na paalis sa gubat na yon.

Afreihym's

Hayss, nasaan naba ang Amairah na iyon? Iniwan ba ako ng babae na yon? Bumalik naba siya sa mundo nila? Nakabalik na ba siya? Hayss saan naman kaya nag punta yon?





Nandito ako sa labas ng tinutuluyan namin, binigyan kasi kami ng punong guro ng matutuluyan, medyo maliit kung titignan sa labas pero malawak ang loob, nasa loob ang tatlo at ako naman ay hindi mapakali na nag aantay na sana ay bumalik na si Amairah kung nasaan man siya nag punta.



Haysss


Amairah's

Ng nasa sunog-sunog na bahay na ako ay hindi kona ramdam ang presensiya nila af, alam ko na naka alis na sila pero gusto ko lang ulit pumunta dito.


"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

"at bakit? Sino ka ba?! Napaka yabang mo ha! "saad ko at tinulak ko sya. Mahina lang pero nag patumba sya.



Namamanghang tumingin naman saakin ang lalake na tinulak ko, bigla ba naman kase akong hinawakan sa pulsohan sabay sabing sino ka?! Dhaaa.




"Ang tapang mo huh? Sino kaba? Hindi mo ba ako nakikilala? Tignan natin kung saan aabot ang katapangan mo"



Susugudin sana ako ng lalake ng may dumating na babaeng nasa mid 30's?



"Itigil mo iyan, anong away ang nagaganap dito? At sino ka binbini? Saan ka nanggaling?" Maotoridad na tanong ng babae, "Hinahanap ko ang mga kaibigan ko dito, pero wala na sila" tanging sagot ko na lang, masama ang tingin saakin ng lalake pero hindi ako nagpakilabot, sinamaan ko din siya ng tingin.





Kulang nalang ay pagsasaksakin niya ako sa tinginan niya, napaka sama ng tingin, nginisihan ko lang naman siya na lalong nagpa inis sakanya.







"Ikaw ba ang tinutukoy nila Afreihym? Ang ngalan mo ba ay Amairah?" Napangiti naman ako sa sinabi ng babae "Opo, ako nga po" sagot ko, at ayun na nga hinatid niya ako kung nasaan sila afreihym. Hindi ko na nakita ang lalake, hindi naman sumunod saamin, ayts bakit ko ba hinahanap yon?!



....

The Long Lost Pure Bloodied Vampire Princess [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon