Nakarinig ako kaagad ng masamang balita pag tapak pa lang namin sa school. Maraming mga nag sasabing may mga naka-pasok raw na mga mortal sa mundo na ito at ang iba ay natatakot dahil baka mag-hunter muli ang mga tao.
Napa isip naman ako kung kaya't naka-rating dito si helen. Ibig sabihin nandito rin si siter alix. Kaylangan ko siyang makita at mahanap. Humarap ako kila leyg at hel na kapwang naguguluhan din sa mga usap-usapan.
"leyg, hel. Hindi ako makaka-pasok. May Kaylangan akong gawin" "huh? Sasama kami ni hel" "wag na leyg.. Kaya ko ito" "pero kahit may Kapangyarihan ka hindi mo masasabi ang trahedya at kahit ano pa"si hel.
"walang iwanan"at hinawakan nilang dalawa ang kamay ko. Napa buntong hininga ako bago tumango. Pinuntahan namin ang lugar kung saan naka punta ang mga mortal. At tama nga ang Sabi-sabi. Meron kasi kaming nakitang cellphone at iba pang gamit na pang mortal na wala di to sa immortal world.
Meron ding bakas ng paa ang nakita namin at walang alinlangan na sinundan namin ito. Hanggang sa nakarating kami sa isang kweva. Nag katinginan kaming tatlo bago pumasok. Narinig ko pang napa lunok si leyg at hel.
Dahan-dahan kaming pumasok roon para di makagawa ng ingay. Sinundan ko ito dahil malinaw ang panigin ko kahit madilim. Naamoy at Nararamdaman naming tatlo na may tao ang nandirito. Pinalinaw din nila leyg ang mata nila at gamit ang Kapangyarihan nila.
Nakarinig kami ng kalus-kos sa bandang kanan at may gumalaw roon na tumakbo palabas. Hinabol namin ito. Ang bilis nyang tumakbo at may kasama syang bata. Huminto na sila dahil nadapa ito at muntik na niyang mabitawan ang bata.
"w-w-wag nyo kaming sasaktan ng anak ko paki-usap"saad ng ginang. Kulot ang buhok nito at para syang gusgusin. Umiiyak naman ang bata dahil sa nangyari.
"hindi ka po namin sasaktan. Sumama po kayo saakin dahil baka marinig nila ang inyong anak"at nilahad ko ang kamay ko. Tinignan niya ito at nag isip-isip pa. Ako na ang nag kusang kumuha sa kamay nya. "pangako.. Ililigtas po namin kayo ng anak mo"at nginitian ko sya. Nag pasalamat naman ang ginang.
Nag cast ako ng spell papunta sa dorm ko. Si leyg naman ay gumawa ng tubig panang-gala para di marinig ang pag-uusapan namin. At para kaming nakakulong sa tubig dahil sa panagGala, Tinignan ko ang bata at natutulog na ito. Nilinisan namin sya at pinatulog sa kama ko.
Tumingin naman ako sa ginang at sinabing mag linis. Nang lumabas sya sa banyo ay pinahiram ni hel ang ginang ng masusuot. Nang matapos na ay umupo na kami sa dining area at nag usap ng seryoso.
"ano po ba ang nangyari? Bakit po kayo napunta rito? At asan na po ang ibang kasama nyo? "pauna kong tanong.
"nasa park kami nung mangyari yon. Lahat ng tao sa park ay nagulantang at nag sitakbuhan. Akala ko'y diko na makikita ang anak ko.. Yakap-yakap ko lang siya at may dumating na mga lalake. Mga naka itim ito at hindi ko maaninag ang kanilang itsura dahil nakatakip ito ng hood "
"lahat ng tao sa park. Maging ang matatanda ay kinagat nila sa leeg. Nag tago kami ng anak ko sa likod ng kotse. Pero nakuha at nakita kami ng tatlo. Kinaladkad nila ako kahit hawak ko ang aking anak. May isang bilog na bigla nalang kaming hinigop. Nang matapos na ang pag ikot ng bilog naiyon ay nasa iba na kaning mundo"
"at nang makita ko ang gubat na iyon ay andami ring mga tao ang naguguluhan at natatakot. Nanlaban ang mga kalalakihan pero malalakas ang mga ito kaya natalo sila. Lahat ay nawalan ng malay at namatay dahil lahat sila ay kinuhaan ng dugo gamit ang mga pangil nila. "
Nanginginig ang mga kamay ng ginang maging ang tuhod nito habang sinasalay-say nito ang nangyare.
"mabuti at may mga dumating. At nag labas sila ng mga ibat-ibang Kapangyarihan sa kanilang mga kamay. Akala ko'y matatalo nanaman sila pero hindi na.. Akala ko mabait ang mga nanligtas samin pero di pala. Binihag nila kami sa isang madilim na pasilyo. At nakita ko ang nakakatakot na mga tao rito. Hindi ko alam kung tao sila pero parang tao sila. Nagiging tao sila dahil pumapasok sila sa katawang tao. "
Naiyak na ang ginang. Pinatahan namin sya pero panay ang pag hikbi nya.
"mama?... "nakita namin ang bata na Nagising at kinukusot ang mata. Kumurot naman ang puso ko dahil tumakbo ang bata sa kanyang ina at niyakap ito at pinatahan. Hindi ko na pala alam na naiiyak na ako. Ano kayang feel ng may ina ka at nayayakap mo siya?
"maraming salamat at ililigtas nyo kami.. " "a-asan na po ba ang iba nyong kasama? " "w-wala na.. Wala na sila... Kami nalang ang tanging nabuhay dahil bago kami pasukan ng mga usok na iyon ay naka takas kami sa pagtakbo. "
Usok? ...... Mga Sectres...
"leyg. Hel.. Kayo na muna ang bahala sa kanila. Wag kayong lalabas kung maaari.. "sabi ko at tinali ang naka lugay kong buhok.
Nag cast ako ng spell at napunta ako sa forest papuntang Sectres. Patawad pero diko nababangit sa inyo ang tungkol dito. Lagi akong nag mamasid dito pag gabi na hindi ako maka-tulog. At sinabi rin ng matanda sa panaginip ko na Kaylangan ko malaman kung saan nag susuot ang mga sectres kaya ito nayon.
Tinanaw ko ang madilim na paligid. Ang mga puno ay nalanta. Maging ang simoy ng hangin ay masama.
Nakarinig naman ako ng mga yapak. Talagang may sumusunod saakin huh. Niligaw ko sya at dumiretso ako sa kaliwa. Mabilis akong tumakbo at sa kanan naman ako. Nililito ko sila. Oo mga dahil dalawa sila.
Nasa likod nila ako at kinontrol ko ang paligid para di nila ako maramdaman.
"sino kaya yun? "boses babae.
"ang bilis nya huh! Para syang si flash" flash.."isa ba kayong mga mortal? "saad ko at nagulat silang napa lingon sa likuran.
"a-a-a" nakarinig ako ng mabibigat na yabag. Yabag ng mga sectres. Hinawakan ko sila at pumikit. Pag mulat ko ay nasa garden na kami ng school. Nag tinginan ang dalawa. At tumigin sakin.
"sino ka? " tumingin ako sa mga mata nila. "Amairah. "saad ko "ako naman ang sagutin nyo.. Isa ba kayong mortal"
Tumingin muna ako sa paligid at kinontrol ito. Ako naman ang gumawa ng tubig para di kami marinig.
"oo isa kaming mortal... Pero may dugo kaming bampira.... Tinutulungan namin ang mga tao pero huli na.. At ikaw... Bakit kulay pula ang iyong mata? At bakit... Isa ka bang bampira? "
Tumingin muna ako sakanya atsaka tumango.
"I am the long lost pure bloodied vampire princess " nag katinginan ang dalawa at tumingin sakin.
"ikaw si prinsesa Lieyhannah? "tumango lang ako. As expected, yumuko sila para mag bigay galang.
"tulungan mo kami... Kaylangan namin ng tulong mo... Ang mga bampira na kagaya natin... Ay pumupunta sa mundo ng mga tao para makahanap ng bies... Andami nang namatay na normal... Kaylangan na itong matigil"
Tumingin ako sa kanila at sabay tumango. "tutulong ako... "sa mga binitawan ko na salita ay inalis ko na ang panang-gala. Hinawakan ko sila at pumikit muli at nasa dorm na kami. Gulat sila leyg pero kinausap ko sila at naliwanagan naman na.
Tumingin naman ako sa natutulog na bata.. At ang ina nyang naka yakap sa kanya. Tumingin sakin ang ina nya at ngumiti sakin. Matamis ko rin syang nginitian.. Sana nandito sila... Oo.. Naiingit ako.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Pure Bloodied Vampire Princess [REVISING]
Vampire[REVISING] She's Amairah Irish Crystal Jade Silvañia, a girl living to mortal world. Hindi nya alam ang mga nagagawa nya na Hindi nagagawa ng mga normal na tao. Hanggang sa maligaw sya sa isang Forbidden Forest. at napunta sya sa mga Immortal na kag...