Ano ba yan. Bakit naka lock yung pinto? Di tuloy ako maka labas. Eh Hindi ko naman bahay ito? Teka? Asan na nga ba talaga ako? Sabi ng lalake nasa werewolves world daw ako.
Nananaginip ba ako? Huh? Adik ba yun? Naka drugs ba yun? Loko ba yun?
Eh? Baliw ata yun? O baka ako ang baliw? Naka drugs ba ako?— Pero teka. Kagabe sya yung nambato sakin ng pampatulog. Hala! Baka rapist na baliw! Naku lagot! Kaylangan ko na talagang maka labas dito at maka labas.
Lord tulungan nyo po akong maka labas dito. Please. Lord sana naririnig nyo po ako. Teka..! Diba may kaya akong gawin?.. gawin mo na ngayon Amairah!! Concentrate! concentrate !
Nag concentration ako at binuklat ko ang kamao ko. Naka titig lang ako sa kamao ko. "Sirain mo ang doorknob" saad ko sa kamao ko. Galing nga eh noh! Ako ata ang baliw dito eh!?
Umusok ang palad ko saglit kaya nag concentrated pa ako. Bilis.. Gumana ka na oh! Para maka labas na ko dito!sabi ko sa isip ko. Nag isip lang ako na mga masasama yun bang may susugudin ako at tadaaah! Gumana na.
Hindi nag tagal ay umapoy ang kamay ko "yes!"bilib Kong sabi sa sarili. Inapoyan ko ang doorknob hanggang sa natunaw ito at dahan-dahan kong tinulak ang pinto, nasilaw pa ako dahil dito tumatama ang sinag ng araw.
Pag kalabas ko ay andaming tao. Parang mga sinauna dahil sa mga damit na suot nila. Teka Asan na nga ba talaga ak0? Kung titignan ay napaka sinauna ang mga kasuotan nila, yun bang nasa ibang mundo ako, pero yung door knob? Yung kwarto na kung saan ako nagising ay moderno na, tapos...
Hindi na ako nagpa tumpik pa at nag tanong na ako sa ale na nakasalubong ko. "Uhm. Pwede po bang mag tanong? Anong lugar po ba ito?"saad ko dito. Tumingin naman ito sakin ng naka kunot noo. Kina usap naman nya ang katabi nyang lalake.
Parehas silang tumingin sakin. At parang may inaamoy sila,?
"Isa ka bang dayo?"tanong nung lalakeng naka bonet at Kulay brown na parang luma ang damit nya.
"Ano po ba ang lugar na ito?. Hindi ko po kasi alam kung nasaan ho ako ngayon.. Paumanhin po"saad ko. Parang kinutuban ang dalawa sa sagot ko. At napansin ko ring ang lahat ng mga tao ay naka tingin sa gawi ko.
"Sino ka? At bakit ka naka punta rito sa teritoryo ng mga lobo?"may diin at maawtoridad na sabi ng babae. Lahat sila ay nag labas ng ibat ibang patalim.
Ewan ko pero di ako nasindak. Tumaas lang ang aking isang kilay na para bang naguguluhan sa inaasta nila, teka nasa mental ba ako!? Halaa!!?
"Inu-ulit ko dayo' bakit ka narito sa teritoryo namin?.. Saan ka nang galing?"saad ng babae. Bumuntong hininga muna ako at.
"Hindi ko rin po alam. Pero napunta po ako dito dahil sa estrangherong lalake na tinamaan ako ng pampatulog at nagising nalang po ako ng nandito na po ako. At galing po ako sa Quezon City. Doon po ako nakatira" kumunot naman ang mga noo nila sa aking isinagot.
Halaaaa baka nag time travel ako? O baka yung gubat na pinuntahan ko ay may portal? O baka yung lalakeng adik na baliw na tinamaan ako ng pampatulog ay isang malignong baliw?
Akmang lalapit sila ng may nag salita.
"Huwag ninyo syang gagalawin. Sya ang aking panauhin"maawtoridad na saad ng lalakeng naka sumbrero na pang horse ride, maging ang suot nito ay pang karera ng kabayo.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Pure Bloodied Vampire Princess [REVISING]
Vampir[REVISING] She's Amairah Irish Crystal Jade Silvañia, a girl living to mortal world. Hindi nya alam ang mga nagagawa nya na Hindi nagagawa ng mga normal na tao. Hanggang sa maligaw sya sa isang Forbidden Forest. at napunta sya sa mga Immortal na kag...