CHAPTER • 20

1.4K 39 10
                                    


(SONG: It Might Be You by Michael Pangilinan)

I don't know. After night, we got even closer. CLOSER.

Madalas niya parin akong binu-bully, but in the sweetest way. He takes good care of me. He takea me out for a dinner. Pinagluluto. We are more like a COUPLE.

Paglabas ko sa hospital. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang matiyagang naghihintay sa akin. Habang nakatitig ako sa kanya. Ang dami-dami kong naiisip.

Paano kaya kung siya ang naging boyfriend ko?

Totoong boyfriend.

Aalagaan niya ako ng mabuti.

Pu-protektahan.

Mamahalin niya kaya ako?

Pero biglang nagflashback sa utak ko ang minsan niyang sinabi.

Safi is the only love of my life.

Bumagsak ang mga luha ko ng maalala iyon. Ano, Claire? Wala ka na ngayon pinagkaiba kay Abbie.

May pag-asa kayang mahalin niya rin ako?

May pag-asa bang maging tayo?

Pwede pa kayang magbago ang isip mo?

Parang dinudurog ang puso sa bawat tanong na iyon. Hanggang sa nahagip ako ng paningin niya. Mabilis na pumunta siya sa akin at tinanong kung napano ako.

Mabilis akong nagpunas ng luha. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

"Wala. Na-touch lang ako kasi hinintay mo ko." Biro ko pa.

"Ang arte mo. Tara may pupuntahan tayo.." wika nito at hinila ako.

Nagpumigil ako. "Sandali." Tumigil siya at humarap sa akin. "Saan?" Dugtong na tanong ko.

Pumunta kami sa school at tumungo sa bulletin board.

Pinabasa niya sa akin ang nakasulat doon.

"Outstanding INTERNS in MEDTECH- Claire Reyes.." pagbasa ko at gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko. "Wow? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Wait.. Meron pa." Tumungo kami sa isang papel.

"Outstanding INTERNS in RADTECH- King Tyron Alvarez." Basa ko at nakangiting tumingin sa kanya.

Nagkibit balikat pa ito na tila nagmamayabang. "Ang yabang eh no?" Nagtawanan kami hanggang sa tumigil siya at matagal na tumitig sa akin.

Awkward. Why is he looking at me like this?

"Thank you, Claire. Hindi ko inaasahang ganito pala kasaya kapag may nangyaring maganda sa buhay mo.." seryosong wika niya at niyakap ako. Oo, bes. NIYAKAP AKO. "Siguradong matutuwa si Safi nito." That name suddenly turned my happiness into sorrow.

Am I.. Am I falling in Love?

Oo tanga. Bibigay at masasaktan ka ba niyan kung hindi?

____________

Nagtuloy-tuloy ang pagpapabuti ni King sa buhay niya. And I was behind that progress. I was the person behind that Oplan Baguhin Si King.

"Ang sipag ah." Kantyaw ko pa ng bumalik siya sa kubo na basang-basa ng pawis.

"Pa-kiss.." mandar niya habang ngumunguso. Inatras ko ang mukha pero hinatak niya ang bewang ko papalapit sa kanya at hinalikan ako.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon