CHAPTER • 14

1.6K 48 4
                                    


Nauna akong nagising sa kanya kaya agad akong naghanda ng breakfast para sa kanya.

Ilang sandali ay dumating si Mang Edgar bitbit amg isang thermos at isang bowl.

"Good morning, Claire." Masayang bati nito.

"Good morning din po, Mang Edgar." Bati ko.

"Heto. Agahan niyo." Sabay lapag ito sa lamesa namin. "Siyanga pala, Claire. Wala tayong trabaho ngayong araw. Fiesta kasi sa kabilang hacienda. Baka gusto niyong mamasyal mamaya doon ni King. Masaya po ang fiesta doon." Wika nito.

"Nako, mukhang masaya nga don manong ha? Sige po, yayayain ko si King." Wika ko.

"Osige. Aalis na ako at kumain na kayo. Magkita nalang tayo sa kabilang hacienda kung pupunta kayo."

Nang buksan ko ang bowl ay may naghugis palaka ang mga mata ko.

Adobong palaka!!!!

"Wow. Adobong palaka my favorite!" Sabik na wika ni King nang makita ang laman ng bowl.

"Teka, hindi ba hindi ka mahilig sa mga sa gilid-gilid lang na pagkain? Paano mo naging paborito ang palaka?!" Namdidiring tanong ko.

Nagpapalit-palit siya ng tingin sa akin at sa adobong palaka.

Teka.. Teka. Alam ko 'to eh. Ang tingin na 'to.

"Don't you dare, King."

Nanunuksong tumawa siya at kinamay ang adobong palaka. "Claire... masarap 'to." Sabi habang dahan-dahan lumapit sa akin habang humahakbang naman ako paatras.

"Claire..."

"King!!!"

"Maam, Sir. Ang sweet po ninyo talaga." Tila kinikilig na wika ni Mang Edgar. This time kasama na niya ang asawa niya.

"Mang Edgar, salamat daw sa adobong palaka. Paborito niya  ito." Wika ni King! Anak nang.

"Samahan niyo na po kaming kumain." Anyaya pa nito saka naman nagsiupuan ang mag-asawa.

KING's POV

Halatang sabaw lang ang kinukuha niya at tinatabi niya ang palaka sa gilid ng pinggan niya.

"Babe oh.." Hinablot ko ang baba niya at pinilit na subuan siya pero pasekretong pinipisil niya ako sa tagiliran.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon