CHAPTER • 42

1.3K 36 8
                                    



Inaayos ko ang kwelyo ni Ken sa labas ng pinto namin habang hinihintay ang pagbukas ng pinto.

Hinampas ako ng baklas sa balikat sa ginagawa ko. "Kadiri ka, girl. Stop it!" Marahang wika niya. Mabilis na umayos kami ng tayo ng bumukas na ang pinto namin.

Kakauwi lang namin galing a duty. Actually, antok na antok na kaming dalawa.

"Good morning, Ma!" Masayang bati ko at binigyan siya ng halik.

Ang biglang lumamig ang boses at nagmukhang macho agad ng bonggang-bonggang si Ken ay humalik din sa Mama ko.

"Magandang araw, Tita." Bati niya at bumeso din dito.

"Pasok na kayo.. Halatang pagod na kayo eh."sabay kaming pumasok at agad na dumiretso sa lamesa kung saan ready na ang breakfast.

Ilang sandali ay lumabas si Papa, hirap na naglalakad at at tanging alalay niya ay ang baston niya. Agad na tumayo si Ken para tulungan siyang maglakad papunta sa lamesa.

"Aba, mukhang nagkakamabutihan na nga kayo ha?" Masayang wika ni papa. Nagkatinginan lang kami ni Ken.

"Tito, babalik po tayo bukas sa Physical Therapist ha?" Wika ni Ken.

"Basta ikaw, Ken. Alam mo naman na utang ko sayo ang buhay ko. Hay nako, mabuti nalang at ikaw ang nagustuhan ng anak ko.." nagpatuloy lang kami sa pagkain.

"Pa, may nabalita na ba kayo kay May?" Tanong ko. Nakakatandang kapatid ko si May. Isang taon lang ang gap naming dalawa. Pagkapanganak kasi sa kanya, nabuntis ulit si mama. Hindi siya umuuwi dito sa bahay. May sarili na siyang buhay dito sa Greece. Hindi ko nga alam kung saan siya sa Greece eh.

Wala pa siyang asawa. Siguro sawa na siyang makasama kami kaya tumayo na siya sa sarili niyang paa. My sister is a little mysterious. Close na close kami noong mga bata pa. Kaso ng tumungtong na siya sa college at fourth year high school palang ako non, bigla na lang siyang nagbago. Siguro dahil sa bagong environment niya. Sa Maynila kasi siya dati nagkolehiyo. Kaso hindi siya nakapagtapos dahil mas pinili niyang maunang pumunta sa Greece.

Simula non, hindi na kami madalas mag-usap. Naging busy daw siya sa trabaho eh. Lalo pa't tinutulungan niya din sina mama at papa na madala ako dito.

Hanggang sa nasanay na ang pamilya namin na laging wala siya. Susulpot lang siya kung may okasyon sa bahay.

May dalawa akong bunsong kapatid pero nasa syodad sila dahil doon sila nag-aaral. Nakatira sila sa isang apartment kasama ang Tita ko na nag-aalaga sa kanila.

"Pa, lalabas po pala kami ni Ken ha? Pero matutulog na muna po kami, siempre." Wika ko sabay ngiti kay Ken.

"Don't worry, Tito. Tomorrow night pa po ang balik ng shift namin." Dugtong ni Ken.

"Siempre naman pwede. Basta ikaw, Ken. Sayong-sayo na ang anak ko.." wika nito at tumawa ng malakas.

Inihatid ko ang bakla sa labas dahil nasa kabilang bakod lang naman ang bahay nila.

"Kadiri ang papa mo girlf. Kung maka-sayong-sayo, aanhin naman kita? Gagawing maid?" Tawang-tawang wika nito.

"Gaga. Umalis ka na nga. Basta sunduin mo ko mamayang 4, okay?" Sabi ko sabay kaway ng paalam at dumiretso sa kwarto ko para maglinis muna ng katawan bago matulog.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon