CHAPTER • 25

1.4K 33 2
                                    


"Babe..."

Sabay kaming napalingon sa isang boses mula sa likuran namin. Bumagsak ang mga balikat ko at biglang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.

Marahang tumayo si King mula sa pagkakaupo at bakas sa mukha niya ang labis na saya. 💔

Namuo pa ang mga luha sa mga mata niya ng makita muli si Safi. Pagkatapos ng ilang taon. Nagbalik na ang taong mahal na mahal niya.

Bumagsak ang mga luha ko. Lumingon ako sa ibang direksyon at patagong nagpunas ng mga luha.

"Babe..." nakangiting wika ni Safi at mabilis na tumakbo papunta kay King at niyakap ito.

Yumakap din si King sa kanya ng napakahigpit. Mahigpit na mahigpit na parang hindi na niya muli ito pakakawalan pa.

Siya nga siguro ang mahal ni King, Claire. Kaya ayaw niyang ma-in love ka sa kanya. Kasi kapag bumalik na si Safi sa buhay niya. Wala ka nang halaga. 💔

"Ka-kailan ka dumating? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ni King na nasa state of shock parin.

Hinawakan niya ang mga kamay nito. "I can't wait to see you. And also, I want to surprise you." Tugon niya.

"Well, na-surprised nga ako.." hindi makapaniwalang wika niya at marahang hinaplos ang magkabilang pisngi ni Safi. 💔

Alam mo 'yung parang nilalagari ng dahan-dahan ang puso mo kaya damang-dama mo ang sakit?

"I-I've missed you..." namamaos na wika ni King at muling niyakap ito.

Hanggang sa nahagip ako ng paningin ni Safi. "I guess you forgot to introduce me to your friend?" Nakangiting wika nito at agad ko namang inayos ang sarili.

King awkwardly stared at me. Pareho naming hindi alam ang gagawin.

"She-she is Claire. My housemate. Claire, this is Safi.. My Girlfriend." Pagpapakilala niya at mabilis naman akong lumapit sa kanya at nakipagkamay dito.

"Hi. Nice to see you.." wika ko na tila maiiyak na. Napakaganda niya. Hindi malabong mabaliw nga sa kanya si King. At malabo ding ako ang piliin niya.

Sa mga oras na iyon. Pinamukha sa akin kung gaano ako ka-tanga all these time.

"Sige. Mauuna na ako sa inyo ha? Magmomotor nalang ako, King." Wika ko dahil nagkataong may dumaang depasaheng motor sa harap namin.

Habang pinapalid ng malakas na hangin ang mga buhok ko at nakatitig ako sa malayo at hinihintay mag-isa na lumubog ang araw.

Sa bawat segundong dumadaan. Sumasagi sa isip ko ang mga masasayang pinagsamahan naming dalawa.

We've been together for months.. 6 months. Pero parang ang dami-dami na ng pinagdaanan naming magkasama.

Kahit kailan kaya, minahal niya rin ako?

(Song: JEALOUS by Nina)

Jealous of the one whose are around you...

Jealous of the one who finally found you..

She's a very, very lucky girl...

Lintek na kanta naman ito oh. Hoy, Author! May mas na-related pa ba diyan sa nararamdaman ko?! Sige na durugin muna puso ko!

Nang pinung-pino! Bugbog sarado!

Ngayon.. Mag-isa nalang akong naglalakad.

Umaambon pa.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon