CHAPTER • 4

1.7K 41 7
                                    


(KING's POV)

Pigil na pigil ako sa tawa ko dahil halos dumikit na siya sa pinto ng sasakyan. Sino sa tingin niya ang magkaka-interes sa kanya?

"Hoy. Ang OA mo ha?" Sita ko.

"Wala kang pakialam." Tugon niya.

Since palagi mo rin naman akong ginagalit, gagawa rin ako ng paraan para galitin ka.

Umusog ako ng umusog hanggang sa magkadikit na ang braso naming dalawa.

Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. "Gusto mo talagang mabugbog no?" Matapang na banta niya. Aba, siga.

"Tingnan natin kung mabubugbog mo pa ako." Nanunuksong bulong ko.

"Ahhh!!!!!!!! Rape. Rape. Rape!!!" Pagsisigaw niya sa loob ng sasakyan.

Tawang-tawang umusog ako palayo.

"Ang kapal mo. Paano naman ako magkaka-interes sa walang hinaharap?" Umiiling na wika ko.

Nagpigil ako ng tawa ng marahang tiningnan niya ang dibdib niya.

"So? Mas mabuti na 'to atleast hindi mabigat." Nakataas ang kilay na wika niya.

"Alam mo, ngayon lang ako nakipag-usap sa taong nakatalikod." Wika ko.

Nagtagpo ang nga kilay niyang humarap sa akin. "Nakatalikod?!"

Ilang segundo pa nag-load sa utak niya ang ibig kung sabihin.

Nang mapuna ay mabilis na nagtakip siya ng labi at nagpigil sa pagtawa.

_____________

(CLAIRE's POV)

Sumingit muna ako sa Rizal Class ko dahil pwede namang sumingit sa minor sub kahit nasa duty hours ka.

Napansin kung wala na naman ang loko. Paano magkakagraduate ang taong 'yun kung hindi pumapasok?!

"Okay! Everybody find a pair!" Wika ng teacher at mabilis na nagsihanapan ng pares ang bawat isa.

Dahil wala nga akong kakilala dito. Nganga ako.

"Claire? Wala kang pair?" Tanong nito.

Meron, kaluluwa ko.

"Ah, wala po." Tugon ko.

Tumingin siya sa class record niya at tila hinahanap ako ng pares.

"Do you know Mr. Alvarez. Siya nalang ang partner mo." Wika nito.

Mabuti naman.

"Okay. Ang gagawin niyo as pair ay mag research about sa mga babae ni Rizal noong panahon niya. We all know that Rizal is kinda 'lapitin ng chics' during his time. Just choose one love story of Rizal. Then you can pass it within this week. Okay? Have a great day ahead. Class dismiss."

Agad na bumalik ako sa hospital pagkatapos ng klase. Habang naglalakad sa hallway ay may mga babae kong nakasulubong.

"Ang gwapo ng intern sa radtech dept. Magpapahulog ako sa hagdan talaga bukas bes!" Bulong ng isang babae at sabay silang nagtilian.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon