CHAPTER • 26

1.5K 33 1
                                    



Ako namang tanga. Lumabas din para samahan siyang kumain. Nasaan na ang Safi niya? Nadatnan ko siyang nakatitig sa pagkain niya. Parang wala sa sarili.

Nakangiting bumaling siya sa akin. 💔

"Ang tanda-tanda muna. Hindi kana dapat sinasamahang kumain." Sabi ko sabay upo sa tapat na upuan.

Hindi siya kumibo kundi nagsimula nang kumain.

Nakatitig lang ako sa kanya. 'Yung feeling na nilulubos muna ang pagkakataong ito dahil baka sa susunod na araw o buwan.

Hindi mo na siya madalas makikita o makakasama.

"Claire.. Kumain kana." Sabi niya habang puno ang bunganga ng pagkain.

Sa puntong iyon. Hindi ko na maiwasang maiyak.

Napatigil siya sa pagkain at bagsak ang balikat na hinarap ako.

Hindi ko inaasahang mamumuo din ang mga tubig sa mga mata niya.

(Song: I'll Never Go by Kaye Cal)

"Pwede ka bang magmahal na hindi natatakot?" Tanong ko sabay bagsak ng mga luha ko.

Nanatili siyang tahimik.

"Pinaglalaruan ko ba ang puso at isip mo? Gagawa-gawa ka ng batas tapos gagawa ka rin ng paraan para labagin ko 'yun? Anong gusto mong mangyari? Napa-praning na ako, King. Wala akong ibang alam ngayon, maliban sa mahal kita."

He took my hand, lightly squeezing it. "Sorry.." tanging salitang sinabi niya.

"Can you give me what I deserve?"

Marahang umiling siya na dumurog sa puso ko. Bakit, King?

Bakit?

____________

"Thank You, Claire. I've seen the changes in him. Now that he's completely a different person now. Siguro he doesn't need anyone to conquer everything. Naka-adjust narin naman siya. Isa nalang naman ang hindi niya nagagawa. Makahanap ng matinong girlfriend.." wika ng Mommy niya.

Nagkamot ako ng noo. "Medyo mahirap po kasi 'yan, Maam. Bakit hindi nalang po natin hayaan si King kung kanino siya masaya?" Wika ko habang namumuo na naman ang nga luha sa mga mata ko. "Kung masaya siya bakit niyo po siya pipigilan di ba?" Namamaos na wika ko. Pilit kung inaayos ang toni ng boses ko dahil ayokong isipin niya na umiiyak ako.

"Uhm. Claire-is there any problem? Are you crying, hija?" Nagtatakang tanong niya.

"Nako. Masakit po kasi ang lalamunan ko. Tapos medyo sinisipon lang.." sabi ko.

"I'd like to meet you one day.. Gusto ko makasama ka kahit isang buong araw. Gusto ko ikwento mo sakin lahat ng ginawa mo at nabago mo ang anak ko.."

"Nako.. wala po 'yun. Masaya na po ako na okay na siya."

"No. Magkikita tayo. Pupunta ako diyan next week. Bago magpasko? Susunduin ko si King."

Susunduin? Napakunot ang noo ko. "Susunduin po?"

"Oo. He'll be back after Vacation. Diba may tatlong buwan nalang kayong natitira sa duty niyo?" Aniya.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon