CHAPTER • 37

1.2K 28 3
                                    


•Please keep listening to the song while reading!•

Nakatulog kami sa ilalim ng puno ng niyog na nasa harap lang ng dagat. Nauna akong magising sa kanya. Doon kami nagpalapipas ng gabi. Nagkwentuhan. Nag-usap ng mga pangarap. Mga pwedeng mangyari sa amin.

Mga pangarap niyang hindi namin matutupad kahit kailan. Pinaniwala ko lang siya na okay ang lahat.

Pero ang totoo. Ito na ang huli naming pagkikita.

Umiiyak na tumitig ako sa singsing sa daliri ko.

Dahan-dahan ko itong hinubad sa daliri ko.

Pero..

Hindi ko kaya.

Mas naging emosyunal ako ng bumaling sa kanya.

He is a gift from heaven. I will forever thank God sa pagpapahiram niya sa akin ng isang taong katulad ni King.

Gusto ko mang ipaglaban ka, King. Wala na akong magagawa.


"You have two choices, Claire. Tatalikuran mo kaming pamilya mo, o ipaglalaban mo ang taong magkakaanak na sa iba.. Totoo man o hindi, Claire. Ayoko ang King na 'yan para sayo."

Ang salitang sinabi ni papa na paulit-ulit kung pinag-isipan.

Salamat sa mga isang buong school year na nakasama kita, King. It was indeed, the best year of my life.

Hanggang sa..

Muli nating pagkikita.

I slowly move my face closer him and carefully give him a kiss on his cheek.

Marahang tumayo ako at nagpunas ng luha. Pero patuloy na bumagsak ang mga ito nang sinimulan kung humakbang palayo sa kanya.

Alam kung hindi mo siya anak, King.

I know, I succeeded to change you.

Pero kailangan kung gawin ito.

Kung darating man ang pagkakataon na magkita tayo ulit..

Baka iyon na ang tamang panahon.

Pero ngayon,

Mali pa ang lahat.

Naghuling-sulyap ako sa kanya bago tuluyang umalis.

_____________


KING's POV

HINDI KO NA SIYA NAABUTAN.

Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Parang may mali sa pag-alis niya.

Bakit hindi man lang niya ako ginising bago siya umalis?

Bakit hindi man lang siya tumawag o nag-text para magpaalam.

Bakit, Claire?


Sana okay lang tayo.

Tatlongg araw pagkatapos niyang umalis. Bumalik na rin kami sa Manila.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon