CHAPTER • 22

1.5K 33 12
                                    


"Claire.." tawag niya. Agad naman akong bumaling sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"May pumunta ditong Tessa kanina. Kaso wala ka. Inilabas na daw nila si Maureen?" Wika nito. Nanlaki ang mga ko.

"What?! Bakit?!" Mabilis na dinampot ko ang cellphone at tinawagan ito.

"Claire..." sagot ni Tessa.

"Inalabas niyo po si Maureen? Bakit ho?!" Umiiyak na tanong ko.

"Natagpuan na namin ang parents niya, Claire. Inilabas na namin dahil wala na kaming pera. Ang parents niya mismo ang nagdesisyon. Mahirap lang din pala ang nga magulang niya.." paliwanag nito.

"Bring her back to the hospital, please.." pagmamakaawa ko. But Tessa ended the call already.

Nag-aalalang hinarap ako ni King. "Bakit?! Sino si Maureen? Sino si Tessa?"

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap siya. " 'Yung perang binigay mo sakin. Binibigay ko sa foundation at sa batang tinutulungan ko. May sakit kasi siya. Leukemia."

Bumagsak ang balikat niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kasi ayokong isipin mo na desperada na ako kahit 'yun naman talaga ang totoo. Tama si Abbie, cheap ako. Hinayaan ko ang sarili ko na gawin lahat ng gusto mo. I'm sorry. Maiintindihan ko kung ayaw munang ipagpatuloy ang deal. Pero ipagpatuloy ko ang trabaho ko sa mommy mo." Umiiyak na wika ko.

"I don't want to continue the deal.." wika niya.

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko. "Naiintindihan ko." Baka iniisip niya na ngayon na mababa akong klaseng babae.

"Pero tutulungan natin si Maureen.." wika niya. Mabilis na nag-angay ako ng mukha. Gumuhit ang mga ngiti sa labi niya at pinunasan ang mga luha ko.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Sabi ko tutulungan natin si Maureen. Wala ng deal-deal. Let's focus to our main goal." Wika niya.

"You mean. Hindi muna ako hahalikan, regularly?" Tanong ko.

Gumuhit muli ang nanunuksong ngiti niya. "Bakit? Ayaw mo? Pwede ko pa namang gawin 'yun kung gusto mo.."

"Ewan ko sayo. Sige na. Kalimutan na natin ang deal na iyon. Let's focus to our main goal." Wika ko.

_________

The struggle is real.

Oo. Alam mo 'yung feeling na namimiss mo ang paglalandi niya?

Natatawa ako sa sarili sa nangyayari. Malapit na ako ma-buang.

Naupo ako sa racking chair at nakipag-chat na lamang sa mga kapatid ko. Namimiss ko na sila.

Habang naghihintay sa reply nila ay nagscroll muna ako sa newsfeed ko.

Until I received a notif.

KING TYRONE added a photo.

Oo bes. Naka-close friends kami kaya nakakatanggap ako ng notifications sa mga activities niya. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko ito. Nagulat din ako na nag-update ako. Si King kasi ang tipo ng taong hindi ma-social media. He's famous kahit tanging facebook lang ang meron siya. When click the notif ay nasorpresa ako sa picture na in-upload niya.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon