CHAPTER• 62 ( Remembering, King)

599 17 4
                                    

Magkayakap kaming magkakapatid habang nakatayo sa puntod ng Ate May namin.

She was drunk while driving. She was hit by a delivery truck and she failed to survive. Ayon sa mga pulis, naka-tanggap ng text si May the night after madakip si Drake na papatayin daw nito si Ciara. Nagkataon na umiinom siya sa isang bar at lasing ng matanggap ang text message.

Bumalik ako agad sa Pilipinas ng malaman ito.

Masakit. Masakit bilang kapatid. Alam kong marami kaming pinagtalunan at pinagdaanan. Marami siyang ginawang mali, pero ate ko parin siya, mahal ko parin siya. Kahit papaano, may nagawa siyang mabuti para sa akin.

Naranasan niya ang pait at sakit ng buhay. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maging masaya kahit sa sandaling panahon. Naaawa ako sakanya. I wish, may nagawa ako para sa kanya bago man lang siya nawala. Sana nakapag-sorry ako at nasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Sana okay na si ate kung nasaan man siya ngayon." Sabi ni Cassy na nakayakap sa braso ko.

"Sana nakapag-sorry ako sa kanya. Gusto kong mag-sorry kasi nagalit ako sa kanya dahil sa pagtutol niya sa amin ni Prince. Sana man lang inintindi natin ang pinagdaanan niya. Sana napasaya natin siya." Sabi ni Ciara, umiiyak.

"Ciara, mahal tayo ni Ate. Kalimutan na natin lahat ng nagawa niyang mali. Alalahanin natin ang mga panahong, magkakasama tayo. Bilang magkakapatid, masayang nag-uusap at nagtatawanan." Ngumiti sila at sabay-sabay naming inalala lahat ng masasaya. Mula pagkabata hanggang sa nagkaroon kami ng kani-kaniyang buhay.

"Mga anak, tara na?" Tanong ni Mama at yumakap kami sa kaniya. Ganun din si papa. Napakasakit para sa amin ito, pero tuloy parin ang buhay.

Bago ako umalis ay tumungo ako sa ospital para makita si King at muling magpaalam sakanya. He's still unconcious. I miss him so much.

Nami-miss ko na ang King Tyron Alvarez ng buhay ko.

"Love, naaalala mo noong una tayong magkita? Hawak-hawak ang short bond paper kung saan isinulat ko ang pangalan mo, hinintay kita sa airport. Na star struck ako sayo kaya nahiya ako, nagtago ako don sa likod ng bondpaper. Tapos bigla mong hinablot, suplado ka." Natawa ako habang umiiyak, remembering those days. :'(

"Tapos naghanap ka ng sasakyan, eh, wala ako nun. Mag-book ka nalang ng grab car, sabi mo. Eh, wala din ako nun, grab traysikel lamg meron ako. Kaya unang tapak mo doon, badtrip ka kaagad." Natatawang wika ko.

"Doon nagsimula ang bangayan natin, ang walang katapusang away nating dalawa. Naaalala ko pa nga, noong rus hour tapos nauna kang pumasok sa jeep at iniwan mo ko, umuwi tayong naka-upo ako sayo.. Tiniis mo ang bigat ko kahit galit na galit kana."

"Naaalala mo din ba? Ikaw ang unang taong nagpakain sakin ng adobong palaka. Na ngayon ay favorite ko na."

"I will never ever forget those days, love. Babalikan kita, at sabay nating uulitin lahat iyon, okay? I love you.."


Hinalikan ko siya sa noo. And left him once again.



Two Years Later


"Ateng! Kain muna tayo." Sabi ni Ken.

"Sige." Lumabas kami sa ospital at naghanap ng pinakamalapit na restaurant.

Oo, nagtrabaho na ako dito sa amerika. Hindi na ako doctor dito, bumalik ako bilang medtech dito. Naisip ko baka magkasakit ang anak ko at dalhin siya dito ng kung sino man ang nakakuha sa kaniya.

Bumagsak ang mga luha ko ng makita ang isang 3 years old na bata hawak-hawak ang kamay ng mommy niya.

Seve is three years old now. Umiyak ako at niyakap nalang ako ni Ken.

"Ateng, mahahanap din natin si Seve, okay?" Pagtatahan niya.

"Daawang taon na. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa, Ken."

"Ateng, ano ka ba? Kung kailan ang dami na ng pinagdaanan natin para mahanap si Seve saka kapa susuko?"

"Sinukuan na rin ako ni King. Hindi ko na alam ang gagawin ko."


King and I broke up. Oo, hindi na nag-work ang relasyon naming dalawa. Sa sobrang sakit parang gusto ko nang sumuko.

Iniwan niya ako sa ere. Mag-isa kung hinaharap ang lungkot araw-araw sa pangungulila ko kay Seve at sakanya. Pero, iiwan niya din pala ako. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

He just left.


Hindi ko na alam kung saan na patungo ang kwento namin, pero alam kung balang araw, magiging okay din ang lahat.


••••••••

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon