CHAPTER • 29

1.4K 32 0
                                    


CHRISTMAS EVE

"Merry Christmas, Ma, Pa!" Masayang bati ko through skype. Masayang nagkakainan na sila. Hindi tugma ang oras namin pero nag-celebrate na sila ng pasko para sabay kami.

"Ate, kamusta na kayo diyan? Itong si Claire, ga-graduate na ilang buwan nalang." Sabi ni Tita Bety.

"Oo nga, Bet. May regalo nga ako sa kanya." Sabi pa ni mama at nakangiting nagkatinginan kami ni Tita Bety.

"Osige, kumain na kayo at kakain na din kami. Merry Christmas!" Sabi ni Tita Bety at nagtungo na kami sa lamesa na punong-puno ng iba't-ibang pagkain.

Kahit papaano ay masaya ang pasko ko. Mabuti nga at may skype. Kahit malayo sila, parang magkakasama parin kaming lahat.

Malapit na. Ilang kembot nalang at ga-graduate na ako. Makakasunod na rin ako sa kanila. Magkakasama na kami ulit lahat.

May mga batang nangangaroling sa gabi ng pasko kaya naisipan naming dalhan sila ng mga handa namin sa lamesa. Magkasama kami ni Tita na pumunta sa gate bitbit ang mga pagkain.

Mga batang kalye na walang kasama tuwing pasko kundi ang isa't-isa.

Masayang pinakinggan namin ang mga kanta nila.

Napakasarap pakinggan ang mga munting boses nila..

Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino tumatawag ay gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Si King.

Tumungo ako sa garden area ng bahay namin at doon sinagot ang tawag niya.

"Hello.." sabi ko.

"Merry Christmas to the Love of My Life." Wika niya na naghatid ng labis na saya sa puso ko. The way he say those words.. Bawat salita batid mong galing sa puso.

"Merry Christmas.." nakangiting tugon ko.

"Nalulungkot ka ba?" Tanong ng malamig na boses niya.

"Hindi. Actually, masayang-masaya ako." Tugon ko.

"Kasi tumawag ako?" Biro pa niya. Pero tama naman siya.

"Hmm. Siguro."

Narinig ko ang marahang pagtawa niya na parang kinikiliti din ang puso ko.

"Claire.." tawag niya..

"Bakit?"

"Mahal na mahal kita ha?"

Nakangiting napasandal ang ulo ko sa upuan. "Kailan ka uuwi?"

"Hm. Bakit? Namimis mo na ba ako? Nako. Nakakabaliw talaga ako.." biro pa niya at pareho kaming nagtawanan.

"Ang yabang mo talaga no?" Sabi ko pa.

" Gusto mo umuwi na ako ngayon diyan? Baka kasi atat na atat ka nang you know.. halikan ako."

" King.. Sobrang landi mo! Itigil mo 'yan. "

Nagtawanan kaming dalawa.

Christmas feels so much better now. This is actually one of the best Christmas of my life.

_______________

Masakit na masakit ang ulo ko nang gumising kinaumagahan. Medyo naparamin yata ang nainom namin ni Tita Bety.

"Good morning, babe." Biglang bati ni Jepoy.

Nagulantang ako ng bigla-bigla nalang itong nagsalita sa tabi ko. Kanina pa kaya siya dito?

"Jeps, a-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"I was worried about you. And us. Hindi na nga tayo madalas na magkasama, hindi mo pa ako kinakausap sa phone. Kagabi tawag ako ng tawag, hindi ka sumasagot. Nakatulog ka na pala sa kalasingan.." aniya.

"I'm sorry.." sabi ko.

Ngumiti siya at inalalayan akong umupo. Inabutan niya ako ng tubig at gamot.

"Okay lang. I understand." Sabi niya.

Naaawa na ako kay Jepoy. He don't deserve me. Wala akong kwentang girlfriend sa kanya.

"Jeps.." tawag ko at inusoh niya ang upuan malapit sa akin.

"Hmm?" Nakangiting tanong niya.

Nagsimulang mamuo ang mga tubig sa mga mata ko. "Do I deserve you?" Naiiyak na tanong ko.

"Babe.. What are you talking about? Every guy will always be lucky to have you." Sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Jeps kasi..."

Napayuko siya. "Hindi mo ko mahal?" Emosyunal na tanong niya.

"Jeps.."

"Alam ko, Claire. Alam kung hindi mo ko mahal. Si King, right? Siya talaga ang mahal mo." Nakita ang pagbagsak ng mga luha niya.. " Claire, I'm trying all my best for you to love me back.."

"Jepoy, alam mo. Napakatanga ko ay ang kapal ng mukha kong gawin sayo 'to. Pero Jepoy.. You don't deserve me. You deserve someone better."

Nag-angat siya ng mukha at tumayo para yakapin ako. "I understand, Claire. Basta kung saan ka masaya, nandun lang ako sa likod mo parati. Sa lahat ng oras ng kailangan mo ako. Darating ako agad-agad.."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Napakagaan sa pakiramdam na sa wakas ay naintindihan ni Jepou ang lahat. Alam ko darating ang isang araw na may tamang taong magmamahal sa kanya. Tamang tao na ibabalik ang pagmamahal na binibigay niya.

_______

KING's POV

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng isang unknown number ang tumawag sa akin.

Agad na sinagot ko ito. "Hello?" Sagot ko.

"King Alvarez? Are you my daughter's boyfriend?" Mommy ni Safi.

Hindi ko alam sa mga oras na iyon ang isasagot ko. "Ah, bakit po?"

"She's sick! Hindi mo ba alam? Such an irresponsible boyfriend!" Galit na sigaw niya. "She doesn't want to take her medicines! Pumunta ka dito at panindigan mo ang kahibangang dinulot mo sa anak ko!" Pagsisigaw niya at itinigil ang tawag.

Biglang sumakit ang ulo ko dahil dalawang araw nalang ay new year na. I was planning to spent it with Claire. Ngayon sana ang flight ko pabalik ng Silay. I'm planning to surprise her.

Pero kailangan kong harapin ang responsibilidad ko kay Safi. Kailangan ko nang ayusin ang lahat sa amin.

•••••••••••

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon