Chapter 15

2.8K 75 4
                                    

Hello readers,

Last day na ng exam ko bukas

Pero mag uupdate na ako

Baka kasi isumpa nyo na yung exam ko kasi di ako nakakapag update

I miss you all

xx




{ MC's P.O.V }


"Hi mommy" bati ko kay mommy


"Hello my daughter, you look lovely tonight" sabi ni mommy


"Syempre mommy ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi, it's your 25th anniversary" sabi ko


"Well, wala ng mas gaganda pa sa prinsesa naming ng daddy mo" sabi ni mommy at inayos yung buhok ko


"thank you mommy" sabi ko


"Sana pag kinasal kayo ni Max at nag tagal na kagaya nyo din kami ng daddy mo, sana maging maayos ang pag sasama nyo" sabi ni mommy


"Hindi pa nga kami ni Max mommy eh" sabi ko


"Ewan ko din ba kasi sayo, bakit kasi di mo pa sagutin?" tanong ni mommy


"Yung totoo mommy gustong gusto ko na sya sagutin pero natatakot pa ako, naninibago ako sa gantong klaseng relasyon" sabi ko


"Dahil ba babae din si Max?" tanong ni mommy


Tumango naman ako


"ito gusto ng sumagot ng oo (turo sa puso ko), pero ito nakikipag talo sa alam na tama at mali (turo sa sentido ko)" sabi ni mommy


Hindi ako nakaimik sa sinabi nya


"Nung nakita namin dyaryo yung tungkol sa inyo ni Max, aaminin ko nagulat kami, pero nang makita naming yung video nyo sa videokehan, nakita naming yung mata mo, sabi ko sa daddy mo 'masaya na ulit ang prinsesa natin', sabi naman ng daddy mo kung saan ka masaya susuportahan ka namin, alam mo anak ang pag mamahal hindi naman nakakakita ng itchura yan, kasarian, o ano man, sa pag mamahal ang mahalaga ay mahal nyo ang isa't isa, pag nag kaproblema kayo wag kayo matutulog na hindi nag uusap, MC anak kahit kelan hindi naging mali ang mag mahal" sabi ni mommy


"Thank you mommy" sabi ko


"Ano ba yan, ang haba ng sinabi ko thank you lang ang sagot mo" reklamo ni mommy na natatawa


"I love you mommy" sabi ko


"I loved you first" sabi ni mommy

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon