{ Max's P.O.V }
(A/N Hello guys, ayan di ako bitter ngayong chapter ha, yung video kung trip nyo play nyo iplay nyo habang binabasa to. Happy reading)
Dahan dahang nag bukas yung pinto ng ballroom
At narinig ko na yung Canon D
Ito na yun
Nasa harap ko si Raffy
Nauna yung si Raffy mag lakad papasok, bago sya tuluyang pumasok lumingon muna sya sa akin at kumindad. Sira ulo talaga
"Ready anak?" Tanong ni Daddy
"Ready as always" sabi ko ng nakangiti
Maglalakad na sana ako nung bigla akong hinatak ni dad palapit sa kanya, at niyakap ako
"Be good,okay?" Sabi ni daddy
Tumango naman ako
Hindi na ako nag salita kasi punong puno ako ng emosyon ngayon, baka maiyak lang ako
Si mommy naman nakahawak sa braso ko
Nag simula na kaming maglakad papasok nila mommy at daddy
At sunod sunod na hanggang sa mga bride's maid
Nasa harap na kami ni Raffy
"Dug...Dug...Dug...Dug, I can hear it Max" sabi nya at siniko ko sya pasaway kasi
"But seriously congrats, you've found your other half" sabi ni Raffy
Inakbayan ko sya
"Thank you, but save it for later, mag sasalita ka pa mamaya" sabi ko
"I know, and I'm ready, ang tanong ready ka ba sa maririnig mo?" Sabi nya
Sasagot pa sana ako kaso nag tayuan na yung guest, at sign na papasok na si MC
Hindi nag tagal nakita ko din si MC
Naglalakad na sila palapit dito
BINABASA MO ANG
Love Knows No Gender (gxg)
RomanceMay dahilan daw ang pwesto ng bawat parte ng ating katawan. Mind over heart daw totoo naman nasa mas mataas na bahagi ng katawan natin ang utak kaysa sa puso pero sino nga ba ang dapat mas masunod? Ano nga ba ang utak? Ano nga ba ang puso? ...