Chapter 37

2K 51 14
                                    


{ MC's P.O.V }


Nagising ako sa sinag ng araw


"Good morning baby" bungad ni Max na nakaupo sa gilid ng kama


"Good morning" sabi ko


"Breakfast in bed?" nakangiti nyang tanong


"Umagang umaga Max ha" sabi ko


"Aww nilulumot" sabi ni Max na tatawa tawa


Tumayo sya


Habang sinusundan ko sya ng tingin nakita ko yung isang tray na nakalagay sa may table malapit sa sofa bed


Napangiti naman ako


Naghihimala ngayon si Max


One year na kaming kasal pero never nag luto si Max ng lutong bahay, madalas kasi pag sya nakaschedule mag luto nag tatake out sa fastfood to sa katamaran


Hyper sya nung nagsabog ng katamaran


"Pakurot nga, baka kasi nananaginip ako" sabi ko


Linapit naman nya sa akin yung mukha nya at ngumiti


Haaay sana lagi kaming ganto


Kukunin ko n asana yung utensils kaso bigla nyang tinapik yung mga kamay ko


"Ako mag susubo sayo" sabi nya


Tinignan ko naman sya


May mabuting espiritu kayang sumapi sa asawa ko?


"Max ikaw ba may kasalanan, sobrang sweet mo ngayon, anong nangyayari sayo?" tanong ko


"Pag sweet may kasalanan agad, di ba pwedeng namiss lang kita?" tanong nya


"Oh say A baby" sabi nya


.

.

.


"Ano yang ngiting yan?" tanong ni Dindin


"Bawal?" tanong ko


"Pagkamalan ka ng mga tao mong baliw dyan, kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan" sabi nya


Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon