Chapter 34

1.7K 42 1
                                    


{ MC's P.O.V }

"Good morning gorgeous, breakfast in bed?" nakangiting sabi ni Max na may hawak na tray

Nilagay ko naman yung mga palad ko sa noo ni Max

Tapos tinignan ko sya

"Totoo to" sabi nya tapos pinisil yung ilong ko

"Si Max ka ba talaga?" tanong ko

"Grabe ka na ha, minsan na nga lang mag effort eh" sabi nya

Nginitian ko naman sya

"Wag mo akong daanin sa ngiti baka di tayo makapagbreakfast nyan" sabi nya

Nakalipat na kami ni Max sa bahay namin

Natapos din sa wakas

"Say aAAAAAA" sabi ni Max tapos susubuan ako

"Hmm pwede ng maging chef" sabi ko

"Wag ako, mambobola na lang di pa ginalingan, tocilog pang chef? Niloko mo" sabi nya

Marunong magluto si Max, pero tamad sya magluto

Pag sya yung nakaassign mag luto, kundi mag oorder sa fastfood, dadalhin ako sa resto, o ganto prito prito lang

"Hindi pwedeng ako lagi ang mag luluto, tataba ako" sabi nya

"Puro transfat" natatawa kong sabi

"Tumaba na nga ako oh" sabi nya

"Asan? Bat di ko nakikita?" tanong ko

"Ito oh" sabi nya tapos pinalobo yung pisngi

Pagkatapos naming kumain

Nanood na si Max

"Di k aba nag sasawa kay Mr. Bean, malapit mo ng maging kamukha yan" sabi ko

"Ok lang at least napapasaya ka" sabi nya

Flash Report:

Reporter: Magandang umaga po. Kapapasok lamang po na balita, kasama sa bumagsak na eroplano ang kilalang negosyanteng si Rafael Franco at ang kanyang asawa na si Alexandra Ybarra-Franco na anak ng negosyanteng si Albert Ybarra na kilala sa Hotel and Leisure Industry. Kami po ay nakikiramay sa pamilya Ybarra Fanco, at sa lahat ng nasawi sa nasabing aksidente.

Hinawakan ko yung kamay ni Max, na hindi nakapagsalita sa narinig na balita

"Ma'am si Ma'am Geraldine po" sabi ni Manang na hawak ang telepono

"Salamat manang" sabi ko at kinuha yung telepono

"MC, did you heard the news? Where's Max?" tanong ni Dindin

"Oo, nandito si Max sa tabi ko" sabi ko

.

.

.

.

{ Max's P.O.V }

Nandito na kami sa chapel kung saan nakaburol si Kuya Rafael at Ate Alex

Hinahanap ng mga mata ko si Raffy

Nakita ko si Ryan at Ryne na nakatulog sa tabi ng kapatid ni ate Alex

Si Tita Rebecca nakaupo sa tabi ni kuya Rafael

"Condolence po tita" sabi ko

"Max" sabi nya tapos niyakap ako ng mahigpit at umiyak

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon