Chapter 18

2.5K 68 5
                                    

{ Max's P.O.V }

"Max, MC, tara na kain na tayo" tawag ni ate Georgia sa amin

bumangon naman na ako

"nangawit ka ba?" tanong ko kay MC

"hindi naman" sabi nya

.
.

"akala ko nag ihaw lang kayo?" tanong ko kay ate

"paano nag crave si Trevs ng hipon,ayan nag paluto kila manang" sabi ni ate Georgia

habang kumakain kami nakaktuwang tignan si ate Georgia at kuya Trevor na nag susubuan, ang sweet nilang tignan

"Inggit ka nanaman Max, ok lang naman kasi na maging sweet kyo ni MC sa harap namin" sabi ni ate

"baka kasi nag papakiramdaman pa lang babes" sabi ni kuya Trevor

"nako MC, hindi kumakain yan si Max ng hipon na hindi ipinag babalat" sabi ni ate

"tamad lang yan ate" sabi ni MC

"sinabi mo pa" sabi ni ate

{ MC's P.O.V }

nagbabalat ako ng hipon paano naman kasi si Max nakatingin lang sa hipon

"Max" tawag ko sa kanya

"aah" sabi ko

ngumanga naman sya

"ayyyiiieee wala kaming nakikita" sabi ni ate Georgia tapos kunwari nag takip sila ng mata ni kuya pero kita naman na sumisilip sila

"ate" sita ni Max sa ate nya

tumawa naman si kuya at ate

"nako kayong dalawa namumula pa kayo" sabi ni kuya

"isipin nyo nalang wala kami sa harap nyo, para di kayo naiilang" sabi ate

"gusto mo pa Max?" tanong ko

tinaas taas naman nya yung kilay nya

sinubuan ko ulit si Max

"Sana hanggang tumanda ako may nag babalat ng hipon para sa akin" sabi nya

"nako, nako nag parinig pa, ito na oh" sabi ko tapos sinubuan ko sya ulit

"nako hindi na talaga ako titingin sa ibang hipon, dito nalang sa sinusubo mo sa akin" sabi ni Max tapos ngumiti

"anong hipon ba sinasabi mo, yung niluluto o hipon na magandang silaban?" tanong ko kay Max

"ay bet, mga half hipon half higad, silaban" sabi ni ate

"may pinanghugutan ah" sabi ni Max

"ay meron talaga, alakain mo tong kuya nyo, nag client meeting daw, tapos yung client nya half hipon half higad, tuwang tuwa pang nakikipag usap tong mokong na to" sabi ni ate Georgia

"talaga kuya?" tanong ko

"client eh dapat mabait ako" depensa ni kuya

"kaya ikaw MC, dapat yang si Max lagyan mo ng takip ng mata ng kabayo, next week start na ng convention sa singapore baka lumandi yan doon" sabi ni ate

"mabait na ako dinamay mo nanaman ako ate" sabi ni Max habang nag kakamot ng ulo

"subukan lang nyang katihin doon ate, ipapasok ko sya sa food processor" sabi ko

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon