Chapter 36

1.7K 47 9
                                    







{ MC's P.O.V }


Nandito ako ngayon sa airport hinihintay si Max. Kung kelan mo naman hinihintay dun parang oras yung bawat isang minuto na nag hihintay ako dito.


Sa wakas after a week uuwi na din sya. Halos hindi ko rin kasi sya nakausap for a week.


.

.

.


"Hey there" sabi ni Max na nasa likuran ko tapos yumakap sya sa akin


Namiss ko yung yakap nya


Once in a bluemoon lang kasi to mag lambing akala mo mag kakasakit pag nag lambing


"Kamusta naman flight mo?" tanong ko


"Ok lang. Ikaw kamusta ka habang wala ako?" tanong nya


"Ok naman, bumisita sila ate sa bahay nung wala ka, once doon natulog sila ate" sabi ko


"Good, san ka nag park?" tanong nya


Hawak nya yung kamay ko habang naglalakad kami


.

.

.


Habang pauwi kami tahimik lang si Max


Sya na din nag drive


"Kamusta pala si Raffy?" tanong ko


"Medyo nagiging okay naman na, baka anytime uuwi na sya dito, para ihandle yung mga naiwan ni kuya Rafael" sabi nya


"Ikaw kamusta naman yung stay mo dun?" tanong ko


"Kumain ka na ba?" tanong nya


Umiling ako


"Tara kain muna tayo somewhere di pa kasi ako kumakain" sabi nya


.

.

.


Habang nag hihintay kami ni Max ng order namin tahimik lang sya, parang ang lalim masyado ng iniisip


"Anong mga ginawa nyo ni Raffy nung nandoon ka?" tanong ko


"Lumalabas kung minsan, more on nasa bahay" sabi nya


"San naman kayo nag pupunta?" tanong ko


"Nung nag stay sila ate sa bahay ano naman ginawa nyo?" tanong nya


"May inoffer si ate Georgia, pero di ko alam kung gusto mo" sabi ko


"Ano naman yun?" tanong nya


Hindi pa ako nakakasagot dumating na yung order naming


"Mamaya nalang natin pag usapan sa bahay" sabi ko


"Okay kain muna tayo" sabi nya


"Try mo to, masarap" sabi nya tapos nakaabang na sya para subuan ako


"Masarap nga" sabi ko


Pakiramdam ko may iba kay Max ngayon


Siguro dahil lang one week kaming di nag kita, tapos halos good morning, good night lang messages namin


.

.

.


"Ano pala yung sinasabi mo about sa offer ni ate Georgia?" sabi ni Max habang pahiga sa kama namin


"Ah, Max one year na tayo di ba?" tanong ko


"uhm" –Max


"Di mo pa naiisip magkababy?" tanong ko


"Baby?" tanong nya


"Yeah, like mag kababy tayo?" tanong ko


"Ah" sabi nya


"Tingin mo ba di pa tayo ready mag kababy?" tanong ko


"so yun yung offer ni ate?" tanong nya


"Yup, nag tatanong kasi sya kung willing tayo mag undergo sa IVF" sabi ko


"Ikaw willing ka ba?" tanong nya


"Oo naman" sagot ko


"San naman tayo kukuha ng sperm donor?" tanong nya


"Kay kuya, kapatid ko naman sya, tapos galing sayo yung egg cell, so dugo ko parin yung baby" sabi ko


"Ok lang basta ready ka na" sabi nya


"Bat puro ako, dapat desisyon natin pareho to" sabi ko


"Okay naman sa akin, ikaw kung okay lang sayo, basta mapapasaya ka nun why not di ba" sabi nya


"Ikaw ba?" sabi ko


"Pag masaya ka syempre masaya ako nun" sabi nya


Bumangon si Max tapos may kinuha sa pocket ng bag nya


"Baby, close your eyes" sabi nya


"Anong meron?" tanong ko


"Surprise, pero dahil sinabi kong surprise di na surprise, basta pikit ka nalang" sabi nya natatawa


Naramdaman kong pumunta si Max papuntang likuran ko


"Open your eyes" sabi nya


Pag dilat ko kinapa ko yung nilagay nya sa leeg ko


"Compass?" tanong ko


"Tignan mo yung nasa isang cirle" sabi nya


"No matter where" basa ko


"Meron din ako" sabi nya tapos pinakita yung nakasuot na sakanya necklace


Napangiti naman ako





"No matter where MC, we both don't know what future holds, kung anong test dadating between us, paghiwalayin man tayo ng panahon o kung ano man, I want you to know kung san man tayo dalhin ng future I want you to find me, and so I am, I'll find you kahit sa kabilang sulok pa ng mundo, I love you MC" sabi nya tapos mas hinigpitan pa nya yung yakap nya sa akin


"Max ikaw kanina pa ako nahihiwagaan sayo ah, may kasalanan ka ba?" tanong ko


Kung ano ano kasing sinasabi, kala mo naka drugs eh


"Wala ah, naisip ko lang di ba may mga test na nangyayari sa kahit anong relationship, so malay mo yung test sa atin umabot sa paghihiwalayin tayo, kaya ngayon palang inaassure na kitang kahit ganun mangyari sa atin, sa huli ikaw parin gusto kong makasama at the end of the day" sabi nya


"Matulog ka na nga jetlag lang yan" sabi ko


"Ok" sabi nya tapos kiniss nya ako sa temple ko at humiga na


Weird ni Max ngayon


Habang tinitignan ko yung necklace napapangiti ako, kahit ang labo ng pinaka idea nya kung bat nya naisip yun


Pero if that time comes, I know mas panghahawakan ko yung vow na pinangako ko nung araw ng kasal namin, magiging taga paalala lang tong necklace para mag hold on ako sa relasyon namin ni Max

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon