Chapter 27

2K 50 0
                                    

{ MC's P.O.V }

"Natext mo na sila?" Tanong ni Max sa akin

Andito na kami sa airport galing Cebu, at kakausapin namin ang pamilya ko tungkol sa balak namin ni Max

Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko

Para akong kinakabahan na ewan

"Napaaga tayo, pwede ba dumaan muna tayo sa simbahan bago pumunta sa resto mo?" Tanong ni Max

Pumayag naman ako

Extra guidance kaylangan ko yun ngayon

.
.
.

Nandito kami sa Shrine of Jesus the Way, the Truth and the Life

Lord, pasensya na ha masyado akong nag madali, pero Lord wala eh mahal ko, takot akong mawala pa sa akin, Lord bigyan mo po ako ng lakas, at sa lahat ng lakas bigyan mo po ako ng sobra sobrang lakas ng loob para masabi ko sa pamilya ko ang balak namin. Thank you Lord

Pag lingon ko wala sa tabi ko si Max

Pag tingin ko sa malapit sa altar at nandoon si Max kaya lumapit ako


Habang papalapit ako

Nakangiti sya

Umupo ako sa tabi nya

"MC sorry ha, kung hindi kita mapapakasalan sa simbahan, sorry kung hindi kita maihaharap sa altar ng simbahan....." magsasalita pa sana sya kaso tinakpan ko ng hintuturo ko ang labi nya

"Shhhh, okay lang, naiintindihan ko, hindi man tayo ikasal sa harap ng altar ng simbahan pero ikakasal parin tayo na nandoon ang Diyos, kasi andito sya oh" sabi ko tapos tinapat ang hintuturo ko sa puso nya

"Tska pinapanood nya tayo sa taas" dagdag ko

Lumuhod si Max

"Hindi ko nagawa to kasi inunahan mo ako,pero ngayon pwede ko na gawin" sabi nya

May kinuha sya sa bulsa nya

"Hindi rin kita mabibigyan ng maayos at magandang proposal kasi madalian din, pero hindi naman pwede na humarap tayo sa mga pamilya natin na hindi man lang ako nakakapagpropose sayo" sabi nya

At binuksan ang box ng singsing

"Megan Casey Estrella Marks, will you be my Mrs. Perez?" Sabi nya


"I do Max" sabi ko habang pinipigilan ang mga luha ko

Hindi naman kasi biglaan tong balak na to pero hindi ko inexpect na mag propropose pa si Max

At talagang may nakahanda pang singsing


Perfect Food Marks

"Oh how was your trip?" Tanong ni daddy

Nakaupo kaming lima sa isang round table

Napapagitnaan ako ni Max at Daddy
Katabi ni Mommy si Daddy
Si kuya naman ang katabi ni Max

"Masaya po, madalas kain po ang ginawa namin ni MC" sabi ni Max

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon