Chapter 43

5.2K 131 210
                                    




{ MC's P.O.V }

Kung bakit naman kasi ganto kaliit ang mundo namin ni Max


Tapos si Gabbi, makasigaw wagas


Buti nalang di ako napansin ni Max


Next time talaga sasabihin ko na kay Max at Gabbi


Dali dali akong nag pumasok sa van





To: Kat

Nandito na ako sa sasakyan, sunod nalang kayo ni Gabbi, masama pakiramdam ko

Sent


"Ma'am ok lang po kayo?" tanong ni manong


"Oo manong" sabi ko


Sumandal na ako


Muntik na yun


Hinga MC


Pag tingin ko sa labas labas ng van papalapit na sila Gabbi


At kasama si Max


Gabbi naman, bakit naman sinama nyo pa yan


"Ma'am ano pong ginagawa nyo?" tanong ni manong


"Wala, pag hinanap ako ni Gabbi, sabihin mo may binili lang ako sa loob manong" sabi ko





Para akong tanga na halos paliparin ko yung sarili ko hanggang sa pinakalikod ng van kung saan nakalagay yung mga pinamili namin kanina





Narinig kong bumukas yung pinto


"Mommy!" sigaw ni Gabbi


Ang tining talaga ng boses


"Ah Gabbi bumalik si mommy sa loob ng mall may bibilhin lang daw" sabi ni manong


"Yaya please text mommy, that we're here please" sabi ni Gabbi


Nanlaki yung mata ko sa narinig ko


Naiwan dali dali kong binuksan yung phone ko para isilent


Nako anak mahal kita pero wag ngayon please





Ting!Ting!


Bumilis lalo yung tibok ng puso ko


"It's mommy's phone" sabi ni Gabbi


Gabbi please, di pa ready si mommy


"Naiwan siguro ni Ma'am" paliwanag ni manong


"I heard it from the back manong" sabi ni Gabbi


"Baka nahulog ni ma'am sa likod yung cellphone nya, ako nalang kukuha" sabi ni manong


Binuksan ni manong yung likod ng van at inabot ko yung phone ko para mag tigil si Gabbi


Tumingin sa akin sa manong na parang may sinasabi


Sinara na ni manong yung pinto dito


"Don't be sad lil Gabbi, soon mamemeet ko din ang mommy mo" sabi ni Max


"Thank you for the cake Maxxy" sabi ni Gabbi


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon