Update Three

152 9 0
                                    

"ANO KA BA NAMAN, DEUCE! HINDI KA BA KINIKILABUTAN SA MGA PINAG-GAGAWA MO!? NAILIGTAS MO NGA YUNG HAYUP NA EX MO. EH PANO KUNG IKAW YUNG NAMATAY!? HA!?"

Bakit maingay?

Nandito ang bestfriend ko, si Erah Nicole Lopez.

"KUNG HINDI MO MAHAL ANG SARILI MO, PWES AKO MAHAL KITA! MAG-INGAT KA NAMAN!"

Bakit siya sumisigaw?

Pinapagalitan ako. MALAMANG!

"OH TAPOS ANO? HINDI MO SIYA TINANGGAP TAPOS MAMAYA IIYAK KA NA NAMAN!? HAY NAKO DEUCE!"

Bakit niya ako pinapagalitan?

Kinuwento ko sa kanya lahat. LAHAT LAHAT. -____________-"

"MY GHAAAAAD, DEUCE! ANO BA KASING PINAGA-GAGAWA MO--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Una sa lahat, Erah. Buhay ako. Hindi ako napahamak. Hindi ako nasaktan. Pero nauntog ako sa dibdib nung lalaki kanina."

Nanlaki ang mga mata niya.

"KYAAAAAAAH~! ANONG ITSURA!? MATANGKAD!? SA DIBDIB! BATO BATO SIGURO KATAWAN NUN! MACHO~!" tanong niya

Tong haliparot na to. Nakarinig lang ng matangkad at macho. Ahay!

"Lalandi ka na naman, Erah?" tanong ko

"HINDI! ANO KA BA NAMAN DEUCE! PATI AKO NILILIGAW MO! Pero pogi ba? TEKA! DEUCE NAMAN! PAHALAGAHAN MO NAMAN ANG SARILI MO!"

"Ang OA mo alam mo yun? AND YES! POGI SIYA!"

Sinadya kong sabihin yun. And nagtwinkle na naman ang mga mata niya! GHAAAD!

"POGI!? Teka lang! Wag mo kong idaan sa ganyan! EH PANO SI ANDY!? AKALA KO BA MAHAL MO PA YUN!? HA!? ANO!?"

Ayan na naman siya. Tss!

"Hindi ko na siya mahal."

I lied.

"Liar." sabi niya

-_______________________-"

Ang galing naman nito!

"Hindi na nga."

"Weh~?"

"Hindi na nga sabi eh."

"Talaga~?"

"Eh hindi ko na nga sabi mahal!"

"Wushu~?"

"EH HINDI KO NA NGA SABI MAHAL EH! ANG KULIT MO!"

"Okay~ Ahahahaha!"

Nang-aasar!? Alam naman pala niya na mahal ko pa eh! Kelangan talaga ipamukha pa!?

Nagkulitan lang kami ni Erah magdamag. Landian, asaran, food trip, sound trip. At kung ano ano pa. Well since friday ngayon, dito na daw siya matutulog. YUN AY KUNG MATUTULOG TALAGA SIYA.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Kumakain ng chips at nanonood ng tv. Bigla niya akong tinawag.

"Deuce."

"Hmm?" sabay subo ng chips

"Pano kung mahal ka pa talaga ni Andy?"

Oo nga no? Pano nga ba?

"Ewan ko."

"Pano kung humingi ulit siya ng chance?"

"Nagawa na niya yun. Kanina. Diba?"

"Bakit hindi mo pinagbigyan?"

"Ayoko eh."

Naiinis na ako! Isa na lang! Isa na lang talaga!

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon