Update Thirty Seven

132 2 11
                                    

Jin's POV

"So anong binabalak mo ngayon, Jin?" tanong sa akin ni Erah

Ibinaba ko ang cellphone ko kung saan tinitingnan ko ang mga litrato namin ni Deuce.

"I don't know." sagot ko

Humigop siya ng kape. Pagkababa niya ng baso niya, agad niya ako tiningnan sa mata.

"I hate you." She paused "No. Actually, I loath you." she said

Binigyan ko na lang siya ng isang matamlay na ngiti. But she just rolled her eyes on me.

"I'm leaving." sabi niya

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumabas ng coffe shop.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko. Agad na bumungad sakin ang picture ni Deuce na hawak hawak ang pisngi niya. Naaalala ko pa to, ito yung pinatawa ko siya kaya sumakit ang pisngi niya. Ngayon kaya? Nakakatawa pa siya? Dahil sa ginawa ko sa kanya?

Napatingin ako sa labas ng coffe shop. Nakakita ako ng isang babae na nakaluhod sa harap ng isang lalaki. Kahit na nasa loob ako ng coffee shop, rinig na rinig ko pa din ang pagsisigawan nila.

"I'm sorry Jiro! I'm so sorry!" sabi ng babae sa lalaki

Nananatili naman na tahimik ang lalaki habang nakatingin sa babae nang walang kahit na anong emosyon.

Napatawa ako ng mapakla.Ganito din ba si Deuce noon? Ganito ba siya magmakaawa sa tangang ako? Ganun ba ako naging katigas? Ganito na ba ako katanga para umabot kami sa ganito? Wala akong kwenta.

"Jiro. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. But please. Forgive me. I love you so much." sabi ng babae

Deuce, hindi ko din sinasadya.

Napansin ko ang pagkunot ng lalaki. Agad itong sumigaw.

"HINDI SINASADYA!? HINDI MO SINASADYA NA MANGLALAKI KA!? AKO DIN, YOMIE!! HINDI KO SINASADYA NA MASAKTAN AKO DAHIL SA GINAWA MO!!" punong puno ng galit na sigaw ng lalaki

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng coffee shop. Pumunta ako sa kinaroroonan ng babae at lalaki. Nakatayo ako sa likod ng babae habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila.

Tumayo ang babae.

"Jiro.. Please.." sabi niya

"GET AWAY FROM ME!" sigaw ng lalaki

Itinaas ng lalaki ang kanang kamay niya. Aktong sasampalin niya ang babae pero agad akong tumakbo palapit at pinigilan ang gagawin niya. Halata sa mukha ng lalaki na nagulat siya dahil sa ginawa at pagsulpot ko.

"WHO THE HELL ARE YOU!?" pasigaw niyang tanong

Umiling iling ako at hinawakan ang balikat niya.

Hinawakan niya ang braso ko at sinubukang pilipitin ito. Pero agad ko itong napigilan at ang braso niya ang napilipit ko.

"AAARRGHHHH!" sigaw ng lalaki

Habang hawak hawak at pinipilipit ko ang braso ng lalaki, sumisigaw naman ang babae.

"SINO KA BA!? BITAWAN MO SI JIRO!!" sigaw ng babae

Hindi ko na lang ito pinansin at nagsalita.

"Dude. You don't know what you're wasting." sabi ko

"Bitawan mo ako!" nagpumiglas ang lalaki pero lalo ko lang pinilipit ang braso niya "AAARRGHHH!"

Nagsalita ako.

"Don't you dare disrespect  or hurta girl who truly loves you." I said

"ANO BANG ALAM MO!?" sigaw ng lalaki

Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Wala akong alam sa pinagdadaanan mo, at sa pinagdadaanan niyo. Pero alam kong wala pa yan sa kalinkilan ng pinagdadaanan ko. Kaya wag kang umakto na ikaw ang may pinaka-malaking problema sa buong mundo dahil madami pang iba na higit at mas nahihirapan at mas nasasaktan kaysa sayo." seryosong sabi ko

Natahimik siya. Pati na rin ang babae ay napatikom ang bibig.

Binitawan ko ang lalaki. Agad na tumakbo papunta sa kanya ang baba at niyakap niya ito.

"See ya around." sabi ko at naglakad na ako paalis

Sa paglalakad ko, napadpad ako sa isang lugar. Napangiti na lang ako ng matamlay habang naaalala ko ang lahat ng nangyari dito.

Sa park na to, dito nangyari ang mga pinaka masalimuot at pinaka masayang kaganapan sa buhay ko.

"HAHAHAHAHA! Walanghiya ka! Wahahaha!"

Hindi ko pala kaya..

Napangiti na lang ako nang marinig ko ang boses niya.

"Bwahahahaha! Ang cute mo Trey!"

"Omeged, Te! I'm not cute! I'm G-O-R-G-E-O-U-S!"

"NYAHAHAHAHA!"

Agad kong iniikot ang tingin ko. Akala ko nababaliw lang ako dahil naririnig ko ang boses niya.

Isang babae at isang lalaki ang magkayakap. Isang babae na hanggang ngayon, ay nagma-may ari pa din ng puso ko. At isang lalaki na naka-headband. -___-"

"Thank you for making me laugh, Trey." sabi ng babaeng mahal ko habang nakayakap kay Trey

Napansin ko ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Trey.

"Anything for you, Deuce." sagot nito

Nakaramdam ako ng galit. Gusto ko tumakbo papunta sa kanila at paghiwalayin sila. Gusto kong patayin si Trey. Gusto kong paghiwa-hiwalayin ang bawat parte ng katawan niya. Pero hindi ko magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Tumulo ang luha ko.

Sana ilusyon lang ang lahat ng ito.

Ipinikit ko ang mata ko. Pagkaraan ng talong segundo, ibinukas ko ulit ang mga ito. Pero hindi pa din nawawala ang mga nakikita ko.

Hindi nga ba talaga kami para sa isa't isa? O tanga lang talaga ako para saktan at pakawalan siya?

Pero ngayon, alam ko na.

Susubukan kong lumaban.

Mali. Lalaban ako hanggang kamatayan.

Magpakasaya ka na, Trey.

Sulitin mo na ang bawat oras na kasama mo siya.

Cause I'll do anything just to win my lady back.

Yun ay kung may pagasa pa ako.

[EYL: Maikli po. @.@ SORRY!! Next UD, magkaka-clue na po kayo kung bakit nagawa ni Jin ang lahat. YAAAAYYY! Bwahaha. Thank you po sa pagbasa!]

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon