Update Thirty Eight

133 2 3
                                    

Deuce's POV

[August 14]

Napatingin ako sa labas ng sasakyan.

Sa araw na to, kakalimutan ko na ang lahat.

Susubukan ko maging masaya, susubukan kong magsimula ng bagong buhay.

Pero hindi kasama ang taong mahal ko, kundi kasama ang taong handang damayan ako.

Siguro matatawag niyo akong gago dahil sa ginagawa ko. Matatawag niyo akong tanga sa pagpapakasal na to, pero panahon na para bitawan ko si Jin. Panahon na para maging masaya ako, kasama si Trey. Pero magiging masaya nga ba ako?

"Baby, it's time." sabi ni Mom habang hawak hawak ang kaliwang kamay ko

Tumano tango ako. Nakita ko si Andy na palapit sa pinto. Ibinaba ko ang veil ko at pinilit sabihin sa sarili ko na masaya ako.

Binuksan ni Andy ang pinto. Isang nag-aalalang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Hinawakan ko ang balikat niya at nakipag-beso sa kanya.

"Everything will be okay." sabi ko

He just nodded at inakay na din si Mom palabas ng sasakyan. Nauna silang dalawa papasok. Well dahil may entrance ang bride. At ako yun.

Matapos ang lahat ng pagmu-muni muni na ginawa ko, napag-isip isip ko na handa na ako.

It's time to let go.

Pagka-apak ng kanang paa ko sa unang baitang ng hagdanan, agad na tumunog ang isang kanta na pinili ni Trey.

(4Eva- RL of Next)

Napangiti ako.

Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kanta na ginamit sa kasal.

Huminga ako ng malalim.

Pagkatapos ng mangyayaring to, I promise. Kakalimutan na kita.

Pumasok ako ng simbahan. Lahat ng mga abay ay nagma-march na papunta sa kani-kanilang mga upuan.

Nakita ko ang ring bearer. Sa tingin ko ay pinsan namin siya ni Anika sa side ni Daddy.

Ang mga mata niya. Parehong pareho ng kay..

Napatigil ako sa paglalakad nang may nagsalitang babae.

"Jin. ganito ang paghahawak. Ayan. Ganyan nga baby."

Muli akong napatingin sa bata.

Akalain mong, magkapangalan pa pala sila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakatingin ako sa harap pero nagkatama ang mga mata namin ni Trey.

Hindi ko alam pero bigla akong napa-iwas ng tingin.

Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad, naramdaman ko ang isang tingin.

Hindi ko alam kung sino siya pero..

Nakaramdam ako ng saya, pero ayokong umasa.

Nang makarating ako sa altar, ngumiti sa akin si Trey. Isang ngiti na punong punong kasiyahan.

Pinilit kong ngumiti din sa kanya.

Nagsimula na ang serimonya.

Tama ba ang lahat ng to?

Tama ba na kalimutan ko si Jin?

Tama ba na saktan ko ang sarili ko dahil sa ginagawa kong to?

Tama ba na.. Gamitin ko si Trey.. Para makalimutan ang lahat ng sakit na pinagdadaanan ko nang dahil kay Jin?

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon