Date: December 24
Time Check: 10:00 PM
Dalawang oras na lang, magpa-pasko na. Ang bilis ng oras. Ni hindi ko maalala kung ano ang nangyari sa loob ng apat na buwan. Hindi ko na ulit nakita si Jin at si Erah simula nung gabing muntik nang magkabanggaan ang mga sasakyan namin.
Kaya nakapag-desisyon na ako.
Alam kong tama to. Dahil pag ginawa ko ito, wala nang masasaktan.
Handa na akong magpatawad sa lahat.
"They're here." sabi sakin ni Trey habang nakangiti sa akin
Tumango na lang ako at ngumiti pabalik sa kanya.
Naglakad ako palabas ng mansyon nila. Agad ko silang nakita. Si Andy at ang kapatid ko. Si Anika.
Npangiti ako nang makita ko ang mga mukha nila.
"Anika.. Andy.." sambit ko sa mga pangalan nila nang makalapit sila
Agad akong niyakap ni Andy.
"Deeeeuuuce! Deym! What's up!?" tumingin siya kay Trey "Yow, Dude. Andy nga pala." pagpapakilala niya sa sarili niya
"Trey." pagpapakilala naman ni Trey sa sarili niya at nag-fist bump sila
"I'm good. Actually I'm great. What's up with you?" tanong ko
Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at inakbayan si Anika. Pagka-akbay niya ay itinaas baba niya ang kilay niya. Si Anika naman ay namumulang nakatingin sa akin.
"Ha?" naguguluhang tanong ko
Kinalabit ako ni Trey. Napatingin ako sa kanya. Bigla niyang itinuro ang nguso niya sa tiyan ni Anika.
O__O
"You-- You're pregnant!?" hindi makapaniwalang tanong ko
Tumango tango siya.
"Congratulations, Sis!" sigaw ko at niyakap ko siya
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghinga. Pero agad din naman niya itong itinuloy at niyakap ako.
"Yes, Sis. I'm pregnant." she said
I pulled away from the hug.
"Heeeey. Hey. Hey. Don't cry!" sabi ko
Pinahidan niya ang luha niya.
"Sorry." she said
"NAHAHAWA AKO EEEEH!" sabi ko
Nagtawanan silang lahat.
Napatingin ako sa likod nila Anika at Andy nang makita ko ang imahe ng dalawang tao.
"Mommy. Daddy." sabi ni Anika at lumapit sa mga magulang niya
Niyakp niya ito isa isa at tumingin sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Anak.." sabi ni Daddy nang makita ako
Hindi ko alam pero ang sarap pakinggan ng pagtawag sa akin ni Daddy ng anak.
Tumulo ang luha ko kahit nakangiti ako. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya.
"Daddy." sambit ko habang nakayakap ako sa kanya
Niyakap niya din ako.
"Deuce. Anak. I'm sorry. Please forive me." he said while crying
Umiling iling ako habang yakap ko pa din siya.
BINABASA MO ANG
Holding On To You [ON HOLD]
Teen FictionSometimes, LETTING GO is a lot better than HOLDING ON.