Update Twenty Three

91 4 3
                                    

Deuce's POV

December 1. Haay. Malapit na pala mag-christmas. Ngayon ko lang napansin.

Santa? Pwede humingi ng gift? Mabait ako the whole year. Well. I think.

Can I have my bestfriend back?

A teardrop rolled down my cheek.

I miss her.. I really miss my bestfriend.. Sooo much. :(

Babangon na sana ako sa bed ko nang bigla kong marinig ang phone ko na nakapatong sa glass na side table ko.

Text Message 

From: Jin <3

(Blank Message)

--

Ano naman to? Uughh. Ang dami ko nang problema nakuha pa niya magsend nito. Tss!

Text Message 

To: Jin <3

Problema mo?

--

Text Message 

From: Jin <3

Malaki.

--

Text Message 

To: Jin <3

Tulad ng? At ng? Saka ng?

--

Text Message 

From: Jin <3

Ikaw at ikaw. Saka ikaw.

--

Aarrghh! Ano bang problema nito!?

Bumangon ako sa kama ko at patapon na inilagay ang phone sa kama ko.

Naiinis ako. Problema daw niya ako!?

TSSSS!

Naligo ako at nagbihis na. Mamaya na lang ako kakain.. Pagkadating ni Mom. Yeah. Ngayon ang dating niya. At madami akong tanong na siya lang ang makakasagot..

Tinawagan ko ang personal driver ni mom na si Mang Roy. Agad naman siyang pumunta nang sinabi ko na susunduin namin si mom. Naihanda ko na din ang mga damit ko para sa pagtira ko sa mansyon. Well hindi naman papayag ang mom ko na dito lang ako sa bahay ko habang siya ay nasa mansyon.

*Beep beep*

Agad akong bumaba dala ang mga gamit ko. Hindi naman siya ganun kadami kaya kayang kaya ko ito bitbitin. Pagkalabas ko, nakita ko na ang kotse ni mom. Bukas na ang likod nito. (Yung lalagyan ng mga gamit? I forgot kung anong tawag.)

Hindi niya bubuhatin to? Ah. Baka masama yung pakiramdam ni Mang Roy.

Binuksan ko ang pinto ng backseat. Pumasok ako at umupo. Dun ako pumwesto sa likod ng driver's seat. So magkatapat lang kami..

"Good morning po Mang Roy." bati ko at ngumiti ng pagka-tamis tamis

"..."

Tumingin ako sa salamin sa unahan pero sa ibang way ito nakaharap.

Weird.. Ang pagkakaalam ko madaldal si Mang Roy. Bakit napakatahimik niya ngayon? Baka masama talaga yung pakiramdam niya..

"Mang Roy. Masama po ba pakiramdam niyo? Kung gusto niyo umuwi na kayo. Magtataxi na lang po kami ni mom."

Bigla naman siyang nagsalita..

"*cough cough* Hindi po. *cough cough*"

May sakit talaga siya. @.@

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon