Update Thirty Nine

162 7 4
                                    

Lumabas ako ng kwarto ni Jin. Dinala ko siya sa ospital dahil yun na lang ang nakikita kong kaya kong gawin. Pinagtitinginan ko ng mga tao sa hallway ng ospital. Pinag-uusapan. Dahil hanggang ngayon ay suot suot ko pa din ang damit na pang-kasal. Napahinga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad. Sa paglalakad ko, lalong dumadami ang mga mata na nakatingin sa akin. Nahihiya ako. Nanliliit ako. Pero wala na. Nagawa ko na.

Tumigil ako sa harap ng isang fountain. Binuksan ko ito at uminom ng tubig. Nang mapawi na ang uhaw ko, nagsimula na akong maglakad pabalik. Nagsimula na namang magsi-tinginan ang mga tao sa paligid. Napatingin na lang ako sa sahig habang naglalakad. Wala akong maiharap na mukha sa kahit na sinong tao.

Nakarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Jin. Hinawakan ko ang door knob. Pero hindi ko magawang pihitin ito. Bakit? Bakit pakiramdam ko ay may pumipigil sakin?

Dahan dahan ko itong pinihit.

"Excuse me? Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" lumapit sakin ang isang doktor

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Alam ko na ang iniisip niya.

"O-opo." matipid kong sagot habang tumatango

Bigla akong kinabahan. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Halos mabasag ang buong mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor.

Brain Tumor..


Brain Tumor..


Brain Tumor..


Brain Tumor..

Bakit si Jin pa? Sa dinami dami ng mga tao sa buong mundo, bakit si Jin pa? Bakit hindi na lang iba? Bakit hindi na lang ako? Bakit kailangan si Jin pa ang mahirapan, magdusa? Bakit kailangan siya ang magkaroon non?

Ang dami kong tanong na walang kasagutan.

Nanghihina ako.

Nawawalan ng pagasa.

Natatakot.

Natatakot na mawala si Jin.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Umiiyak na naman ako.

Napakahina ko.

Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa door knob. Dahan dahan ko itong pinihit. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko ang maamong mukha ni Jin. Isinara ko ang pinto at naglakad palapit sa kanya. Habang palapit ako sa kanya, lalong lumalakas ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula nang dahil sa nalaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon