Update Thirty Five

132 3 7
                                    

Deuce's POV

Nagising ako na may luha sa aking mga mata. Halos ganito na lang ang nangyayari araw araw. Gigising ako, iiyak, iiyak, iiyak, tutulog. Sa loob ng isang buwan, para akong patay dahil nawala daw lahat ng emosyon ko. Lahat ng tao na nakakasalubong at nakikilala ko, nakakalimutan ko. Pero hindi mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Isang tao lang ang nakakaintindi sakin..

*Tok tok tok*

"Deuce? Breakfast's ready. Bumaba ka na."

Si Trey. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Sa ngayon, siya lang ang nakakakilala sa totoong ako. Ang nakakapagpangiti sakin. Dahil siya lang ang nasa tabi ko nang mangyari ang lahat ng nangyari.

"Si-sige." I answered

I heard him sigh.

"You're crying again." He paused "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang iiyak? You're a very brave girl. Alam kong kaya mo ang lahat. Malalagpasan mo din ang lahat." he said

Then I heard his footsteps. He left.

Siguro tama nga si Trey. Makakaya ko ang lahat. Pero hindi ngayon. Lalo na't wala si Jin sa tabi ko.

Bumaba ako mansyon nila Trey. Isang buwan na akong nakikitira dito. Ang mommy at daddy ni Trey ang tumayong magulang ko sa loob ng isang buwan. Ipinaparamdam nila sakin na, kahit hindi sila ang mga magulang ko, ay mahal na mahal nila ako.

"Hija, kumain ka na." sabi sakin ni Tita Liza

Tumango na lang ako at umupo sa dining area.

"Namamaga na naman ang mga mata mo." sabi ni Tito Marco habang may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi

Ngumiti ako sa kanila. Sa ngayon, para sa kanila na lang ako ngumingiti.

Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Trey sa balikat ko. Nagsimula na naman akong umiyak.

"Trey. Tsk. Tsk. Pinaiyak mo na naman si Deuce. Haha." pagpapatawa ni Tito Marco

"Lagot ka." pagpapatawa naman ni Tita Liza habang iginagalaw ang hintuturo niya na para bang magsusumbong

Napangangiti ako habang umiiyak. Hindi ko inaasahan na sila pang mga hindi ko kadugo ang makapagpasaya at makakaintindi sa akin sa ganitong sitwasyon.

"Tito. Tita. Trey. THANK YOU PO!" sigaw ko habang nakayuko at umiiyak

--

 Cemetery

Sa loob ng isang buwan, hindi lumalagpas ang isang linggo na hindi kami pumupunta dito. Ganito ang ginagawa ni Trey para mapagaan ang loob ko. Dinadala niya ako sa puntod ng totoo kong nanay dahil alam niyang ito lang ang magagawa niya sa ngayon.

Naglalakad kami papasok ng cemetery nang mag-ring ang phone ni Trey.

"Hello?.. Tita.. Opo.. Kasama ko po si Deuce.. Nasa.. Nasa sementeryo po kami.. Opo Tita.. Ingat din po kayo.. Sige po.."

 Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.

"My mom? I mean.. Val-- Tita Val-- Uhhh." I sighed

He chuckled.

"Yeah. Your mom." he said

Umakbay siya sa akin. Nagsimula na ulit kaming maglakad. Habang naglalakad kami, hawak hawak ko ang boquet ng flowers na binili namin kanina ni Trey sa isang flower shop. Ibibigay ko to kay mommy.

Nang makita ko ang puntod ni mommy, tumakbo ako palapit dito.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Pumapatak na naman ang mga luha ko. Bukod kina Tito, Tita, at Trey, dito din ako naglalabas ng sama ng loob.

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon