Update Five

141 8 6
                                    

[Hi Sis~! For you! Ikaw kasi nag-sabi na mag-update ako kagabi. Then nag-promise din ako. Sorry kung maikli ha! Hihi]

"ANDY."

Yan na lang ang lumabas sa bibig ko ng makita kong humarap siya sa amin.

Sa totoo lang, ang sakit sakit na ng dibdib ko.

Sa totoo lang, gustong gusto ko siya yakapin.

Sa totoo lang, gustong gusto ko sabihin sa kanya na miss na miss ko na siya.

Sa totoo lang, gustong gusto ko siyang makasama.

Sa totoo lang, gustong gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Pero sa totoo lang, nasasaktan ako kasi alam kong kahit anong gawin ko wala na siya. Hindi na siya babalika pa.

"Deuce."

Biglang nagsalita yung kasama ko. Tss. -__________-"

"Yeah?" 

"Iiwan ko muna kayo."

Then naglakad na siya pero tinawag ko ulit siya.

"Hey." 

"Hmm?" Lumingon siya 

"A-anong pangalan mo?"

Ngumiti siya sakin at sinabing..

"Jin. Jin Zamora."

Then umalis na talaga siya.

-_______________________-

Nang narinig ko ang pangalan niya, biglang sumakit ang ulo ko.

"Deuce! Are you okay?"

Tumakbo pala palapit sakin si Andy. Hinawakan niya ang braso ako at inalalayan ako.

"I'm fine."

Then tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Ngayon ko lang ulit naramdaman na dumampi sa balat ko ang malambot niyang kamay. Gusto ko sanang ibalik ang oras para maramdaman ko ulit yung. Pero huli na ang lahat. Huling huli na.

Makalipas ang 5 minutes nang katahimikan, nagsalita na si Andy.

"One."

Ayan na naman. One na naman? Ano ba Andy? Hindi ka ba nagsasawa na masaktan ako? Tuwang tuwa ka ba kasi nadudurog ang puso ko? Ako kasi hindi ako natutuwa eh. Hirap na hirap na kasi ako eh.

Pinili ko na lang na hindi sumagot at tumingin na lang sa kawalan. Dahil sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya, nanghihina ako. At baka bumigay lang ako.

"D-Deuce. One."

This time, his voice cracked. Tumingin ako sa kanya at nakita kong umiiyak siya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Nasasaktan ako, pero ayokong ipakita ito.

"Please." he paused. Then he said.. "Come back to me. You are my life."

T_______________________T

At tumulo na ang mabibigat kong luha. Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko. Hirap na hirap na ako. Nasasaktan na ako. At pagod na pagod na akong masaktan. Pero nang sinabi niyang..

"One. Anika and I." he paused again

Anika? Ha! So yung ang pangalan niya? Bagay sa kanya. Ang ganda niya. Pero ang bitter ko pakinggan. Tss! -__-"

"We're engaged."

<//3

Lalong tumulo ang mga luha ko. Lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Humagulhol ako ng iyak pero pinapatahan niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit pero kumawala ako dito.

"F*ck you, Andy! So gusto mo akong bumalik sayo tapos sasabihin mo na engaged ka sa kanya!? Hahahahaha! P*tang ina! Ang sarap sarap naman ng feeling nito!"

Hinahampas ko siya sa dibdib pero hindi niya ako pinipigilan. Tinatanggap niya lang lahat ng hampas na lumalanding sa dibdib niya.

"Oh ngayon? Masaya ka na!? Nasaktan na ako, Andy! Masaya ka na!? MASAYA KA NA BA!?"

Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pagsigaw niya.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin!? Ganyan ba ako kasama para sayo!? Deuce! She's ANIKA MARIE YOON! Yoon, Deuce! Yoon!" isinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya dahil sa inis. "Sila ang may-ari ng pinakamalaking kumpanya sa buong mundo! At kung hindi ko siya papakasalan, papabagsakin nila ang kumpanya namin! At hindi lang yon! Pati kumpanya niyo! Pero ang pinaka-masaklap sa lahat, IKAW! Pati ikaw, Deuce!"

Nagulat ako sa mga sinabi niya, pero..

"So sarili mo lang at ang kumpanya niyo ang iniisip niyo!? Ayy wait! Pati din naman pala yung kumpanya namin! Thank you ha!?"

Punong puno ng sarcasm ang pagkakasabi ko. Patuloy pa din ako sa pag-iyak habang siya naman ay nakaupo lang sa sahig na parang bata.

"Deuce. Please. Be mine again. Magba-back out ako sa engagement. Wala na akong pake kung pabagsakin pa nila ang kumpanya namin. Pero ang inaalala ko lang ay yung kumpanya niyo at IKAW." binigyan niya ng diin yung ikaw. "Deuce. I never fell out of love with you. Breaking up with you was the hardest thing I did in my whole life. It's like killing myself little by little. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko nang mga panahon na iyon. Gustong gusto kong sabihin sayo pero baka sabihin mo lang na ang selfish ko."

Lumuhod siya sa harapan ko..

"Pero, Deuce. One. Pwede bang magpakaselfish naman ako ngayon?"

Nang marinig ko ang mga iyon, lalong nagulo ang utak ko. Babalik ako sa kanya, pero magsa-suffer ang mga pamilya namin. Hindi, ako lang ang magsa-suffer. Kung babalik ako sa kanya, magiging selfish ako. AAARRRGGHH! Ang gulo!

"Deuce. Please." sabi niya ulit

Pero ang mga salitang ito na hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko.

"Forget it. It's not worth it. Bye, Andy."

Then I walked away..

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Magiging masaya ba ako dahil finally nakapag-let go na ako? O magiging malungkot at pagsisisihan ko ang lahat dahil pinakawalan ko ang lalaking pinakamamahal ko. I know. Stupid right? I'm stupid. I'M SO STUPID!

Naglalakad ako palabas ng garden na iyon nang matanaw ko yung Jin na nakasandal sa harap ng car niya. Nakita niya ako at lumapit siya sakin. Pagkalapit niya, bigla niya akong niyakap.

"J-Jin, right? W-What are you doing?" tanong ko

I heard him chuckle then he said..

"I know you need this. Just let it out. Let it all out, Deuce. Then later on, you'll feel better."

Nang sinabi niya iyon, humagulhol na ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. Hindi ko alam pero unti unti, gumagaan ang pakiramdam ko.

"Deuce." tinawag niya ako

*LAB DUB LAB DUB LAB DUB*

Then bigla niyang sinabi na..

"I'm always here for you."

--

[EYL: Hello! Hehe. Kapal ng mukha ko na mag-ganito, feeling madami ang nagbabasa! Hahahaha. Sorry kung maikli. I'm here in Batangas and mahina yung signal nung broadband koooo~! So sorry kung hindi agad ako makakapag-update ngayong holy week. After na lang! I promise~! ^______^]

Holding On To You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon