Kris' POV
Hay! Badtrip talaga! Naubos 'yung savings ko kahapon dahil sa date na 'yun! Pumunta na ko sa bahay nila Rick. Nagdoor bell ako. Binuksan nung yaya nila 'yung gate.
Kris: Good Morning po. Asan po si Rick?
Yaya: Ah pumasok na sila ni Joyce.
Kris: Po? 'Di nila ko hinintay?
Yaya: Ah pinapasabi nga pala niya na ang tagal mo daw kasi e kaya nauna na sila.
Kris: Ah.. Sige po. Salamat po.
'Yung dalawa na yun! grrr! Nang-aasar ba talaga? Pa'no ko papasok nito? Maglalakad ako?
BEEP BEEP ..
May humintong kotse sa tapat ko at may lumabas na isang babae. Pamilyar ang mukha niya. Nakita ko na siya e. 'Di ako pwedeng magkamali. Siya nga! Si LEXI.
Lexi: Mag-isa ka lang? Halika na, sabay ka na sa'kin.
Kris: Hindi na. Salamat na lang.
Lexi: Please. Treat ko na lang sa'yo 'toh bilang pasasalamat ko sa'yo sa pagsama sa'kin kahapon. Please? Please? Please.
Kris: Sige na nga. Mapilit ka e.
So 'yun sumabay na sakanya. No choice e. Kaysa naman maglakad ako, diba?
Lexi: Ba't nga pala mag-isa ka lang?
Kris: Ah .. Wala. Iniwan kasi ako 'nung dalawa e. Nagsosolo na naman sila.
Lexi: Natural lang 'yun. Syempre, couples sila e. Ikaw naman kasi e, bakit 'di ka manligaw para magkagirlfriend ka? Para naman 'di ka naiingit sa kanila.
Kris: Bakit naman ako maiingit sa kanila? Saka ayokong magkagirlfriend okay!
Lexi: Bakit? Bakla ka ba?
Ako?! Bakla? Loko 'toh ah. Kung alam niya lang talaga ang dahilan..
Kris: Hindi ah! Sa gwapo kong 'toh!
Lexi: E bakit nga?
Sa totoo lang, natatakot akong ma-inlove sa iba. Mas okay na 'tong nagmamahal ako ng patago. Kaysa naman makasakit na naman ako.
FLASHBACK . .
Kris: Mahal kita pero...
Joyce: Pero ano Kris?
Kris: Joyce .. Sorry, we need to end this.
Joyce: Ano bang sinasabi mo? Nagbibiro ka lang diba?
She started to cry. Masakit din para sa'kin 'toh Joyce.
Kris: Sorry ..
Joyce: Kala ko ba mahal mo ko? Ano ba talaga Kris?! Gulong-gulo na ko e!
Kris: Mahal kita pero hindi talaga pwede.
Joyce: Bakit hindi pwede? Ipaliwanag mo!
Kris: Ayokong saktan ka!
Joyce: Ano sa tingin mo 'yung ginagawa mo sa'kin ngayon? Ang labo mo!
Kris: Joyce, I'm really sorry.
Joyce: Fine. Let's end this.
End of FLASHBACK
Naging kami noon ni Joyce pero nasira ang relasyon namin. Bakit? As usual, kagaya ng mga iba pang istorya, pinagbawalan ako ng Daddy ko makipagrelasyon sa kanya. Pinagkasundo ako ng Daddy ko na ipapakasal sa anak ng business partner niya. Dahil ayokong magpakasal, gumawa ako ng paraan. Naglayas ako at sumama na kay Mommy. Oo, hiwalay na sila. I belong to a broken family. Hindi na kasi kinaya ni Mommy ang pananakit ni Daddy sa kanya.
Nung mga time na napag-isip isip ko na ang lahat at naliwanagan na ako, I've made my decision. Makikipagbalikan na sana ko kay Joyce pero huli na pala ang lahat. . .
Lexi: Hello? May kausap ba ko? Bakit nga kasi?
Ang kulit naman nito. Tsismosa pa. Naku naman! Ba't ba kase nakikialam siya?
Kris: Wala. Ayoko. Basta ayoko lang!
Lexi: Hmpft! Sunget!
![](https://img.wattpad.com/cover/1158382-288-k434142.jpg)
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin.. Again?
Fanfiction"Nasa huli ang pagsisisi" 'yun ang sabi nila. But there's always a second chance right? To make things better. Maibibigay kaya ang chance na ito para sa kanya? O huli na talaga ang lahat para pagsisihan niya?